Connect with us

Showbiz

Naaalala n’yo pa bas i Su An na gumanap bilang anak ni Gong Yoo sa 2016 film na “Train to Busan”? Isa na siyang ganap na dalaga ngayon!

Published

on

Hindi maipagkakaila na marami nang naging impluwensiya ang mga dayuhang bansa sa ating bayan. Hindi lamang sa ating tradisyon, pagkain, pag-uugali, pananaw at paniniwala sa buhay kundi maging sa ating sining at kultura.

Talaga namang nakakamanghang malaman na posible palang mangyari ito lalo na sa panahon natin ngayon na usong-uso na ang social media at laganap na rin ang internet. Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nahihilig ngayon sa panunuod ng mga South Korean dramas at movies.

Tiyak na marami sa atin ang aminado rito. Kahit gaano pa tayo kaabala sa eskwela, sa trabaho o sa mga gawaing bahay ay talagang gagawa at gagawa tayo ng paraan upang makapanuod at mag-enjoy sa mga K-drama at movies na ito.

Marami din naman kasing magagandang mga istorya at kapupulutan din ng aral ang mga ito. Ilan nga sa mga tumatak sa atin ay ang action horror film na “Train to Busan” taong 2016.

Pinagbidahan ito ni Gong Yoo at talaga namang umani ng maraming mga papuri at positibong komento sa publiko. Marami din ang humanga ng husto sa South Korean child actress na si Kim Su-an.

Siya ay 15 taong gulang na ngayon at makalipas ang ilang taon mula ng ipalabas ang kanilang pelikula ay talagang malaki na ang kaniyang pinagbago. Ayon sa ilang mga artikulo, limang taong gulang lamang siya noon nang magsimula siya sa industriya ng showbiz ngunit ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga.

Pinusuan nga ng maraming mga netizens ang ilang mga larawan at mga videos niya habang siya ay nagmomodelo. Sinong mag-aakala na siya pala si Soo-An na anak ni Gong Yoo sa sikat na pelikula limang taon na ang nakararaan?

Talaga namang maraming mga kaganapan at pagbabago sa paglipas ng panahon. Maraming mga hindi magandang pagbabago sa ating paligid ngunit marami din naman ang mga pagbabagong masasabi nating maganda talaga.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media