Connect with us

Showbiz

Mga komedyanteng Pinoy na maagang binawian ng buhay, kilalanin!

Published

on

Kilala tayong mga Pilipino bilang masayahin at talagang punong-puno ng pag-asa sa gitna man ng maraming mga pagsubok. Hindi na rin nakapagtataka na marami sa atin ang nakikilala at sumisikat sa larangan ng comedy o pagpapatawa. Sa kasamaang-palad ay marami na rin sa mga sikat na komedyanteng ito ang maagang pumanaw at narito ang ilan sa kanila:

CHOKOLEIT


Si Jonathan Aguilar Garcia o mas nakilala natin bilang si Chokoleit ay isang komedyante, aktor, at TV host. Marami ang humanga sa kaniya nang minsan siyang mapabilang sa palabas na Marina bilang si Pearly Shell. Nasawi siya sa edad na 46 noong Marso 2019 habang siya ay nagtatanghal sa Abra. Atake sa puso at pulmonary edema ang sinasabing dahilan ng kaniyang pagkakasawi.

BENTONG


Si Domingo Vusotros Brotamante Jr. naman o si Bentong ay isang komedyante at host na binawian ng buhay sa edad na 55. Atake sa puso ang sanhi ng kaniyang pagpanaw noong Pebrero 2019. Maliban dito ay mayroon din siyang sakit na diabetes.

JOY VIADO


Si Teresita Joy De Leon-Viado o mas nakilala natin bilang si Joy Viado ay isang character actress, singer, at comedienne. Taong 2016 nang siya ay pumanaw sa edad na 57 dahil sa atake sa puso at diabetes.

BABALU


Si Pablo M. Sarmiento o mas nakilala natin bilang si Babalu ay isang sikat na komedyante at aktor ng kaniyang henerasyon. Talaga namang marami siyang nagawang proyekto noon kasama ang mga bigatin ding komedyante tulad niya. 56 taong gulang siya noon nang siya ay pumanaw taong 1998. Kumplikasyon sa kaniyang kanser sa atay ang kaniyang ikinasawi.

REDFORD WHITE


Si Cipriano “Dodoy” Cermeño II ay hinangaan ng maraming mga Pilipino bilang si Redford White. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon pala siyang kanser sa baga at mayroon din siyang tum0r sa kaniyang utak. Sa edad na 54, taong 2010 ay tuluyan na siyang namahinga mula sa kaniyang mga karamdaman.

RENE REQUIESTAS


Si Renato “Rene” L. Requiestas ay isa rin sa pinakasikat na komedyante noong taong 1980s hanggang 1990s ngunit taong 1993 ay nasawi siya sa edad lamang na 36 dahil sa TB.

BLAKDYAK


Taong 2016 ay napabalitang pumanaw na ang komedyanteng si Blakdyak sa kaniya mismong condominium unit dahil diumano sa pagpapatiwakal sa edad na 47 taong gulang.

TADO


Si Arvin Impuesto Jimenez naman o si Tado ay isang komedyante, aktor, radio personality, businessman, published author at activist.

ZORAYDA SANCHEZ

Si Zorayda Sanchez ay isang komedyante, aktres, TV and film scriptwriter. 57 taong gulang lamang siya noong siya ay pumanaw dahil sa kanser taong 2008.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media