Connect with us

Showbiz

Kathryn Bernardo, ipinasilip ang napakagandang studio na regalo sa kaniya mismo ng kaniyang ina para sa ika-25 taong kaarawan niya!

Published

on

Si Kathryn Bernardo ay isa sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon. Hindi lamang siya hinahangaan ng publiko dahil sa husay niya sa pag-arte kundi sa mga bagay na kaniyang ginagawa o investments sa perang pinaghihirapan niya.

Photo credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Sa edad na 25 taong gulang ay marami na rin siyang naipundar na negosyo. Talaga namang isang huwaran ang aktres para sa maraming mga kabataan at sa maraming mga Pilipino.

Photo credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko nang ipasilip niya ang napakagandang regalo sa kaniya ng kaniyang ina. Isa lang namang studio na ubod ng lawak at ganda ang handog ng kaniyang ina para sa kaniya.

Photo credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Matagal nang request sa kaniya ng kaniyang mga tagahanga ang pagbabahagi niya ng studio niyang ito sa publiko. At sa wakas nga ay naisakatuparan na din.

Photo credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Si Mommy Min talaga ang pasimuno ng napakabonggang regalo niyang ito para sa anak. Pagpasok pa lamang sa kaniyang studio ay talagang bubungad na ang kanilang napakagandang gazebo.

Napaka-relaxing din naman ng lugar dahil sa maraming halaman dito. Sa receiving area naman makikita ang kaniyang maningning na sign na “TGIS” na madalas ding makita sa kaniyang mga vlogs.

Photo credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Elegante naman ang disenyo ng kaniyang conference room na swak na swak sa kaniyang mga meetings lalo na ngayong pandemya. Paglabas din naman ng kanilang conference room ay makikita na ang napalaking main studio ng aktres.

Mataas ang kisame at mayroon din itong French doors. Dito madalas gawin ang kaniyang mga pictorial at iba pang mga espesyal na okasyon.

Mayroon pang sariling dressing room at make-up area ang aktres na mayroong sariling banyo at bathtub! Para din ito sa mga celebrities at staff na nais maligo bago at pagkatapos ng kanilang event. Masayang masaya si Kathryn dahil ito na ngayon ang kaniyang pangalawang tahanan lalo na sa gitna ng pandemya kung kaya naman laking pasasalamat niya sa kaniyang ina.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media