Connect with us

Showbiz

Misis ni Alfred Vargas na si Yasmine, pinuri ng mga netizens dahil sa hindi halatang tatlo na ang anak!

Published

on

Si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III o mas nakilala natin bilang si Alfred Vargas ay 39 na taong gulang na aktor, modelo, at pulitiko. Siya ay ikinasal sa kaniyang misis na si Yasmine Espiritu noong taong 2010.

Nabiyayaan sila ng tatlong mga supling sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, at Alfredo Cristiano. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang sila ay ikasal ngunit hindi talaga maipagkakaila na mas lalo siyang gumanda kumpara sa dati.

Maraming mga netizens ang nakapansin sa angking kagandahan ni Yasmine na madalas pa ngang maihambing sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Marahil ay hindi alam ng marami na love at first sight ang naging karanasan ni Alfred sa kaniyang asawa noon at nang magkaroon ng pagkakataong magpalitan sila ng numero ay agad niyang hiningi ang numero ng kaniyang misis na ngayon na si Yasmine.

Nang nililigawan na ng aktor si Yasmine ay laking gulat nito dahil isa pala siya sa napakarami niyang tagahanga. Mayroong mga larawan ng aktor sa kwarto mismo ni Yasmine.

Hanggang sa ngayon ay talagang mararamdaman pa rin ang kilig sa kanilang pagsasama. Marami ang kinikilig sa madalas na pagbabahagi ng aktor ng kaniyang “appreciation post” para sa kabiyak.

Ayon sa aktor ay hindi siya nagsasawang gumising katabi ang kaniyang misis araw-araw. Hanggang sa maputi na raw ang kanilang buhok ay talagang liligawan pa rin niya ang kaniyang kabiyak.

Dahil sa pagmamahal na ito ng kaniyang asawa ay hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay napakaganda pa rin ni Yasmine. Maliban pa rito ay talagang nagbibigay rin siya ng oras at panahon sa kaniyang pag-eehersisyo.

Ayon pa sa kaniyang post noon ay hindi niya talaga gusto ang pag-eehersisyo ngunit ninais niyang maging mas malakas at malusog para sa kaniyang mga anak. Tunay nga na napakagandang inspirasyon niya para sa maraming mga ilaw ng tahanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

 


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media