Connect with us

Showbiz

Anak nina Aga Muchlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muchlach, pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan!

Published

on

Kung isa kang Filipino fan, paniguradong hindi mo rin pinapalampas ang mga mahahalagang bagay at mahahalagang detalye sa buhay ng iyong mga paboritong artista. Kung madalas kang manuod ng mga TV shows at pelikula ay tiyak na kilala moa ng mag-asawang Aga Muchlach at Charlene Gonzales.

Maraming hindi nakakaalam sa nakakakilig na lovestory nila na nagsimula nang minsang maging hurado ang aktor sa beauty pageant na sinalihan ni Charlene. Nang magkakilala ang dalawa ay talaga namang nabighani agad si Aga sa kaniyang angking kagandahan.

Naging magkaibigan at nagkamabutihanan ang dalawa hanggang sa nagdesisyon silang magpakasal na. Hindi sila naging magkasintahan at deretso na kaagad na nagpakasal. Biniyayaan nga sila ng kambal na anak, sina Atasha at Andres.

Tulad ng kanilang mga magulang ay talagang lumaking napakagwapo at napakaganda ng kambal. Matinee idol at Bb. Pilipinas 1994 ba naman ang mga magulang kaya naman talagang hindi na nakapagtataka ito.


Kamakailan lamang ay napukaw ni Atasha ang atensyon ng publiko matapos niyang maging isang cover girl sa isang fashion magazine. Sa darating na Nobyembre 2021 ay magdiriwang na ng ika-20 taong kaarawan ang kambal.

Napakabilis talaga ng panahon! Marami tuloy ang nagtatanong kung papasukin na din ni Atasha ang showbiz matapos niyang mag-pose sa isang magazine.

Interesado naman daw talaga si Atasha na pasukin ang showbiz gayundin din ang kambal niyang si Andres dahil noong mga bata pa sila ay marami silang magagandang alaala sa tuwing dinadala sila ng kanilang mga magulang sa trabaho. Tiyak na marami ang magiging tagahanga ng dalaga dahil sa likas ang angking kagandahan nito at potensiyal pagdating sa pag-arte.

Ibinahagi din niyang dapat sana ay lilipad siya patungong United Kingdom upang doon mag-aral ngunit hindi ito natuloy dahil sa bagong variant na naman ng pandemya na kumakalat sa buong mundo. Sa ngayon ay nag-aaral muna siya online habang hindi pa siya maaaring magtungo sa ibang bansa upang tapusin ang kaniyang kurso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media