Connect with us

Showbiz

Ronnie Alonte, ipinasilip sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang “man cave/gaming room” na matatagpuan mismo sa kaniyang tahanan!

Published

on

Si Ronnie Alcantara Alonte II o mas nakilala natin bilang si Ronnie Alonte ay 24 na taong gulang na aktor, modelo, singer, dancer, at endorser. Isa siya sa mga miyembro noon ng “It’s Showtime” dance group na “Hashtags”.

Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Taong 2015 nang una siyang sumabak sa grupo. Nang sumunod na taon ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng “Maalaala Mo Kaya” at nakagawa din siya ng mga pelikulang “Vince and Kath and James” at “Seklusyon”.

Nang mga sumunod pang taon ay marami pang naipagkatiwala sa kaniyang proyekto. Tunay nga na malayo na rin ang narating ni Ronnie.

Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Hindi na nakapagtataka na kahit papaano ay nakakapagpundar na siya para sa kaniya at para rin sa kaniyang pamilya. Kamakailan nga lamang ay ibinahagi niya sa YouTube channel nila ng kaniyang nobyang si Loisa Andalio ang pinagkakaabalahan niya buhat nang lumaganap ang pandemya sa bansa.

Nagpagawa siya ng sarili nilang “man cave” o “gaming room” sa loob mismo ng kanilang bahay. Ang dati nilang bodega ay mas napaganda pa nila ngayon. Ito na ngayon ang paborito niyang bahagi ng kanilang bahay.

Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Dito siya naglilibang at nagpapalipas ng oras lalo na ngayong pandemya. Ang bahaging ito ng kanilang bahay ay ginawan din ng doodle art ng kaniyang kapatid kung kaya naman nakadagdag din ito sa “feel” o sa “ambiance” ng kaniyang “man cave”.

Sa loob nito ay makikita ang kaanilang billiard table, table tennis, at video arcade game na regalo mismo sa kaniya ni Kris Aquino. Ibinahagi din ni Ronnie na marami pang kailangang ayusin sa kaniyang “man cave” ngunit balak pa rin niyang unti-untiin at tapusin ito hanggang sa makumpleto na ng husto.

Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Talaga namang napakasarap sa pakiramdam na makita ang mga bagay na pinaghirapan mo. Hindi mo lang ito napapakinabangan kundi maging ng iyong sariling pamilya.

Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Kapansin-pansin din namang todo-suporta para sa kaniya ang nobya niyang si Loisa Andalio.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media