Connect with us

Showbiz

Anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Baby Bia, kinagigiliwan ngayon ng publiko dahil sa napakacute niyang mga larawan!

Published

on

Si Zeinab Harake ay isang kilalang personalidad sa bansa. Ang 22 taong gulang na vlogger ay isa lamang sa mga sikat na social media personality at influencer sa ngayon. Mayroon na siyang higit sa 10,000,000 subscribers sa kaniyang official YouTube channel na Zeinab Harake.

Photo credit: Bia instagram

Madalas siyang nagbabahagi ng mga challenges, prank, travel, at experiences niya dito. Marami ang nagulat nang ibahagi niya ang pagdadalang-tao niya kung saan ang rapper na si Skusta Clee ang ama ng kaniyang baby.

Photo credit: Bia instagram

Hindi man naging maganda ang simula ng kanilang relasyon at marami mang pagsubok silang pinagdaanan ay nauwi rin naman sa pagkakaayos ang kanilang pagsasama ngayon. Sa ngayon ay magkatuwang nilang inaalagaan at pinapalaki ang kanilang unica hija.

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagsubaybay sa mga paborito nilang artista at personalidad. Kung kaya naman maging si Zebbiana Harake Ruiz o si Baby Bia ay marami na kaagad tagahanga online.

Photo credit: Bia instagram

Ilan sa mga trending niyang larawan ay ang kaniyang monthly pictures kung saan makikita ang kaniyang larawan na nakasuot nang Cinderella outfit. Napakaganda din naman ng background ng kaniyang kuhang larawan.

Maliban dito ay mayroon din siyang larawan noong kaniyang unang buwan bilang si Princess Aurora ng “Sleeping Beauty”. Hindi rin naman nagpaawat ang mommy ni Baby Bia na si Zeinab sa mga OOTDs ng kanilang baby dahil talagang lutang na lutang ang angking ka-cute-an ng kanilang mini version.

Photo credit: Bia instagram

Napakasarap naman talaga makakita ng magandang ngiti ng isang sanggol. Hindi maipagkakaila na talagang biyayang maituturing ang pagdating ni Baby Bia sa buhay ng kaniyang mga magulang.

Photo credit: Bia instagram

Sa ngayon ay mas mayroon na silang dahilan upang magsumikap at mas magpursige sa buhay dahil mayroon nang isang baby Bia na umaasa at nakadepende sa kanilang dalawa. Sa paglaki kaya ng kanilang anak ay papayagan din nila itong pumasok sa vlogging o sa showbiz?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media