Connect with us

Showbiz

Ethel Booba, ipinasilip ang naging enggrandeng selebrasyon nila ng 1st birthday ng kaniyang anak na si Baby Michaela!

Published

on

Si Ethyl Gabison o mas kilala sa stage name niyang Ethel Booba ay 44 taong gulang na komedyante, singer, author, vlogger, at TV personality. Hindi lamang siya isang mahusay sa pagpapatawa at paghohost dahil marami rin ang nagulat nang siya ang tanghalin na celebrity champion ng “Tawag ng Tanghalan”.

Nobyembre 15, 2019 nang ianunsiyo niya sa “Its’ Showtime” na siya nga ay nagdadalang-tao. Pebrero 14, 2020 naman nang isilang niya ang panganay nila ng kaniyang nobyong si Jessie Salazar.

Pinangalan nila ang kanilang anghel na Michaela. Naging napakalaking biyaya nito para kay Ethel dahil inakala niya talagang hindi na siya magbubuntis pa dahil sa kaniyang edad.

Kung kaya naman talagang napakaligaya nila sa pagdating ni Michaela sa kanilang buhay. Sa mabilis na paglipas ng panahon ay nakita ng publiko kung gaano siya ka-hands on sa kaniyang anak.

At para nga sa pagdiriwang ng unang taon niyang kaarawan ay hindi na nag-atubili pa ang mag-asawa na ipaghanda ng enggrandeng party ang kanilang anak. Idinaos nila ang espesyal na okasyon na ito sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay.

Dito talaga nais ni Ethel na magdiwang ng kaarawan ang kaniyang anak ngunit dahil sa marami nang naka-book na events ay hinayaan na lamang nilang medyo mahuli ang kanilang selebrasyon. Katuwang ng batikang komedyante ang kaniyang matalik na kaibigan at ninong ni Baby Michaela na si Tei Endencia sa pag-aayos at paghahanda ng espesyal na birthday party na ito.


Tiyak na nagustuhan ng kaniyang anak ang candy land theme para sa unang taong kaarawan nito. Maraming mga netizens naman ang labis na namangha dahil sa enggrandeng selebrasyon na ito.

Talagang pinaghandaan ng husto at pinaglaan ng malaking halaga ng salapi. Tunay nga na gagawin lahat ang magulang maibigay lamang ang “The Best” para sa kanilang anak.

Tulad na lamang ng naging paghahanda nina Ethel at Jessie para sa “first birthday celebration” ni Baby Michaela.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media