Connect with us

Showbiz

Silipin ang napakagandang bahay ni Jennylyn Mercado na matatagpuan sa Quezon City!

Published

on

Si Jennylyn Anne Pineda Mercado o si Jennylyn Mercado ay 34 na taong gulang na aktres, singer, at songwriter. Siya ang kauna-unahang grand winner ng unang season ng “reality talent competition” na StarStruck.

Photo credit: Jen Mercado instagram

Hindi na mabilang ang mga magagandang pelikula at teleserye na kaniyang pinagbidahan. Hanggang sa ngayon ay isa pa rin siya sa pinakamaganda at pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Hindi naging maganda ang karanasan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz matapos niyang mabuntis sa edad na 22-anyos. Kahit pa nga hindi siya pinanagutan noon ng kaniyang nobyong si Patrick Garcia ay nagawa niyang itaguyod ang kaniyang anak na si Alex Jazz Mercado, 12 taong gulang na siya ngayon.

Photo credit: Jen Mercado instagram

Sa paglipas ng panahon ay nagkapatawaran na nga sina Jennylyn at Patrick. Mayroon nang sariling pamilya ang dating aktor habang masayang masaya din naman si Jennylyn sa piling ng kaniyang nobyong si Dennis Trillo.

Photo credit: Jen Mercado instagram

Talaga namang maraming mga Pilipino ang kinikilig at sumusuporta sa kanilang relasyon. Dahil nga sa malayo na ang narating ngayon ni Jennylyn, hindi na rin nakapagtataka na makapagpundar siya ng ilang mga ari-arian.

Tulad na lamang ng kaniyang napakagandang bahay sa Quezon City. Noon pa man ay nais na niya talagang magkaroon ng sarili niyang bahay.

Photo credit: Jen Mercado instagram

At dahil na rin sa pambihira niyang kasipagan at pagtitiyaga sa kaniyang trabaho ay nakabili siya ng bahay at lupa. Kumuha rin siya ng mahusay na interior designer upang masunod ang nais niyang disenyo sa loob at labas ng kaniyang dream house.

Ayon sa aktres, naging lucky charm niya daw ang bahay niyang ito dahil sa mula nang tumira sila ditong mag-ina ay talagang bumuhos ang napakaraming proyekto at pagpapala lalo na sa kaniyang karera. Talaga namang mamamangha ang sinumang bibisita sa napakaganda at napakaaliwalas na tahanang ito ni Jen.

Photo credit: Jen Mercado instagram

Simple lamang ang kaniyang dream house ngunit talagang mararamdaman mo at makikita mo ang personalidad ng taong nakatira rito. Tunay nga na siya ay “deserving” sa kung ano mang mayroon siya ngayon.

Napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan si Jennylyn Mercado.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media