Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, ipinasilip sa publiko ang ginawa nilang pag-ani sa kanilang malawak na farm sa Zambales!

Published

on

Si Phylbert Angelli Ranollo o mas hinangaan natin bilang ang 33 taong gulang na si Bea Alonzo ay isang mahusay na aktres, modelo, at businesswoman. Marami na siyang nagawang proyekto na talagang mas lalong nagpamangha sa atin sa husay niya bilang isang aktres.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ilan sa mga hindi malilimutang proyekto na kaniyang pinagbidahan ay ang “One More Chance”, “A Second Chance”, at marami pang iba. Hindi lamang siya sumikat dahil sa mga pelikula at teleserye niyang ito kundi dahil na rin sa ilang mga commercials at endorsements na kaniyang nagawa.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tunay nga na deserve niya lahat ng mayroon siya ngayon. Kung marami ang nag-aabang at sobrang kinilig sa estado ngayon ng kaniyang lovelife, marami din naman ang humanga at nakakuha ng inspirasyon sa kaniyang mga tagasuporta.

Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang napakalawak nilang farm sa Zambales. Ito ang isa sa kaniyang mga naging investment mula nang siya ay pumasok sa industriya ng showbiz.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ang kaniyang napakagandang farm ay tinawag niyang Beati Firma at muli niya itong itinampok sa kaniyang vlog. Ipinasilip niya ang hardin ng kaniyang ina na si Mommy Mary. Kilala din siya bilang Madam M.

Sa “Mary’s Secret Garden” ay makikita ang iba’t-ibang klase ng mga gulay na tanim mismo ng kaniyang ina. Mayroon silang sitaw at talong. Saktong-sakto naman dahil sa kailangan na din nilang anihin ang mga gulay na ito.

Masayang masaya naman ang aktres habang inaani ang mga gulay na tanim ng kaniyang ina. Buong pagmamalaki din niyang ibinahagi na organic lahat ng mga gulay na ito dahil hindi talaga sila gumagamit ng kahit ano mang kemikal sa kanilang farm.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Dagdag pa ng ina ni Bea, hindi lamang sitaw at talong mayroon sila sa kaniyang secret garden dahil mayroon din silang okra at mais. Sa kalagitnaan naman ng pangunguha ni Bea ng mga gulay ay biglang umuulan.

Kung kaya naman sumilong na lamang sila at naglaro ng cards kasama ang kaniyang pamilya. Palagi daw siyang nagpapasalamat kahit sa ulan na iyon dahil sa nagsisilbi itong biyaya hindi lamang para sa kaniya kundi maging sa kanilang farm mismo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media