Connect with us

Showbiz

Ruffa Gutierrez, proud mommy sa kaniyang anak na si Lorin na nakapagtapos na ng hayskul!

Published

on

Wala na yatang mas sasaya pa para sa mga magulang kung makikita nila ang kanilang mga anak na unti-unting nakakamit ang kanilang mga pangarap sa buhay at nagiging matagumpay. Mapalad ang mga anaka na mayroong mga magulang na nakasuporta sa kanila ano man ang nais nilang makamit pagdating ng panahon.

Halimbawa na lamang ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin na talaga namang masayang masaya sa kaniyang mga graduation pictures. Proud na proud naman ang kaniyang ina na si Ruffa Gutierrez na talaga namang abot langit ang ngiti.

Ang tagumpay ng kaniyang anak ay talaga namang tagumpay rin niya bilang isang magulang. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na hiwalay na ang aktres sa dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas.

Ang kanilang pagsasama ay nagtagal lamang ng halos apat na taon. Nabiyayaan naman sila ng dalawang anak na babae, sina Lorin at Venice. Dalaga na ang kanilang mga anak, 17 taong gulang na ang panganay na si Lorin habang 16 na taoang gulang naman si Venice.

Binati ni Ruffa ang kaniyang “first graduate” sa social media, kalakip ng ilang mga larawan nilang magkasama. Talaga namang nagmana sa kagandahan ng kaniyang ina si Lorin.
Ayon sa ilang mga ulat, Abril ng taong ito nang lumipad patungo sa Los Angeles, California si Lorin upang mapaghandaan ang kaniyang pagtatapos. Mayroon na din siyang plano na kumuha ng isang business course sa kaniyang pangarap na eskwelahan.

Ngayong nakapagtapos na siya sa “The British School Manila”, nais naman niyang makapasok sa UCLA na kaniyang dream university. Mahirap man ang pagpasok dito ay nais pa rin niyang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapagtagumpayan ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Maliban sa kaniyang pag-aaral ay nais rin niyang sundan ang yapak ng kaniyang ina pagdating sa pag-aartista dahil sa hilig daw niya talaga ito noon pa man. Sa katunayan nga ay madalas pa siyang lumalahok sa mga “drama play” ng kanilang paaralan na talaga namang na-eenjoy niya ng husto.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media