Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, muli na namang tumulong sa kaniyang mga kababayan dahil sa nagmahagi siya ng mga pagkain at pera sa mga nangangailangan bilang selebrasyon sa kaniyang 13 milyong tagasubaybay online!

Published

on

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na YouTuber sa bansa ngayon. Dahil na rin sa kaniyang kasikatan ay unti-unti na siyang nakilala sa industriya ng showbiz.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Noon pa man ay sumusubok na si Ivana na makapasok dito ngunit hindi talaga siya pinapalad tulad ng kaniyang kapatid na si Mona Louise Rey o si Mona Alawi. Ngunit pagkalipas ng ilan pang mga taon ay nabigyan na ng pagkakataon si Ivana na ibahagi sa kaniyang kapwa ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Hindi na lamang siya isang vlogger ngayon dahil sa isa na rin siyang aktres at endorser. Tunay nga na napakarami nang mga biyaya ang dumarating sa buhay ni Ivana.

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya sa ngayon ay nanatili pa rin siyang simple at mapagpakumbaba. Sa katunayan nga ay hindi pa rin siya nagsasawa na tumulong sa mga Pilipinong labis na nangangailangan.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kamakailan ay ipinagdiwang niya ang pagkakaroon niya ng higit sa 13 milyong subscribers sa YouTube. Sa halip na magtapon at mag-aksaya ng pera sa isang enggrandeng selebrasyon ay naghanda na lamang siya ng mga pagkaing ipamamahagi sa mga kapus-palad.

Halos lahat sa mga ipinamahagi niyang ito ay mga paborito niyang pagkain. Ang 1,300 katao na nabahaginan niya ng mga eco-bags ay makakatanggap ng mga “de lata”, rice cakes, bigas, vitamins at face mask.

Photo credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Nilakipan din niya ito ng Php1,000 halaga ng cash at nagluto rin sila ng pagkain para sa mga taong kanilang tutulungan. Adobong manok ang niluto ni Ivana at tinawag niya itong “Adobo Ala Alawi”.

Talaga namang nagtutulong-tulong ang pamilya ni Ivana upang maihanda ang mga ito. Laking pasasalamat ng aktres sa Diyos at sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.

Kung kaya naman talagang nais niyang maibalik ang pagpapalang ito sa ibang tao. Napakapalad ng mga taong nakatanggap ng tulong na ito ni Ivana na hindi lamang nuknukan ang ganda at kaseksihan, mayroon pang napakabusilak na puso.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media