Connect with us

Showbiz

Kendra Kramer, nakakitaan ng mala-beauty queen na katangian ng maraming mga netizens dahil sa angkin nitong kagandahan tulad ng kaniyang ina!

Published

on

Mahirap maging isang magulang ngunit napakasarap din naman sa pakiramdam na makita ang iyong mga anak na lumalaking responsable at disiplinado. Ngunit tila hindi na yata natin maipagkakaila na madalas ay ayaw talaga natin bilang mga magulang na lumaki ang ating mga anak na noon pa man ay itinuring na nating mga “baby”.

Photo credit: @chekakramer on instagram

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang naka-relate sa post ni Doug Kramer. Makikita dito ang kaniyang mag-ina, si Chesca Kramer at ang panganay nilang si Kendra.

Ayon kay Doug ay malapit nang maging ganap na 12 taong gulang ang kanilang anak. Napatanong din tuloy siya kung gaano na lamang katagal ang kanilang hihintayin bago pa mahigitan ni Kendra ang tangkad ng kaniyang ina.

Photo credit: @chekakramer on instagram

Noon pa man ay maramaia na ang humahanga at nagmamahal sa pamilya Kramer. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang naging pagsisimula ng pamilya nang simple lamang noon.

Ngayon kasi ay nakapagpagawa na sila ng kanilang pangarap na bahay at patuloy pa rin silang nagbabahagi ng ilang mga videos online. Talaga namang patok na patok ito sa maraming mga netizens.

Noon pa man ay napamahal na sa maraming mga Pilipino ang Team Kramer na binubuo nina Doug, Chesca, Kendra, Scarlet at Gavin. Makalipas ang ilang taon ay talaga namang naglalakihan na ang kanilang mga anak.

Photo credit: @chekakramer on instagram

Dalaga na sina Kendra at Scarlet habang lumalaki namang katulad ng kaniyang ama si Gavin. Marami rin ang nakapansin sa tindig at angking kagandahan ni Kendra.

Marahil ay maaari daw itong sumali sa Miss Universe pagtungtong niya sa wastong edad. Maging ang pagiging magkahawig nila ang Miss Universe 2018 Catriona Gray ay hindi rin nakalampas sa mata ng mga netizens.

Photo credit: @chekakramer on instagram

Maging ang kaniyang ama na si Doug ay napansin din ang pagkakahawig ng kanilang mata, kilay, at maging ang hugis ng kanilang mukha. Proud parents din naman sina Doug at Chesca sa kanilang mga anak dahil sa lumalaki silang responsible, disiplinado, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media