Connect with us

Showbiz

Kris Aquino, hindi pinalampas ang pambabastos sa kaniya ng isang basher na tinawag siyang pangit kapag walang “make-up”

Published

on

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala natin bilang ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino ay 50 taong gulang na TV host, actress, producer, product endorser at businesswoman. Ayon sa ilang mga ulat, ang kaniyang net worth ay umaabot na sa $10 million o Php477,560,000.

Tunay nga na isa siya sa pinakamayamang personalidad sa industriya ang showbiz ngayon. Bahagi din siya ng maimpluwensiyang angkan ng mga Cojuangco at mga Aquino dahil sa ang kaniyang mga magulang ay sina Benigno Aquino Jr. at dating Presidente Corazon Cojuangco.

Sa ngayon ay mayroon na siyang dalawang anak sina Josh at Bimby na anak niya sa dati niyang nobyo na si Philip Salvador at dati niyang asawa na si James Yap. Pinalaking mag-isa ni Kris ang kaniyang mga anak kung kaya naman talagang marami rin ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya bilang isang babae at bilang isang magulang.

Sa kabila ng napakaraming nagmamahal sa kaniya ay mayroon pa ring ilan na talagang walang ibang gagawin kundi bumatikos at mangutya. Kamakailan lamang ay mayroong isang basher na pumuna at sinabihang “pangit pala” ang batikang host kung kaya naman hindi na ito pinalampas pa ni Kris. Hindi niya pinalampas ang mapanghusgang komento ng netizen.

Ayon kay Kris, ang kagandahan ay nasa taong nagdadala nito. Natitiyak din daw niyang hindi kagandahan ang basher ngunit hindi na lamang niya ito papansinin pa.

Hindi rin daw kasi ito ikagaganda ng buhay niya at hindi rin makakatulong sa lipunan. Nagtanong din ang sikat na aktres at host na marahil ay kailangan nang basher na mahanap ang kaniyang tunay na kaligayahan.

Nagpasalamat din siya sa Diyos dahil sa siya ay gumaganda pa sa make-up. Talaga namang hinangaan ng marami ang komento na ito ni Kris.

Napakasimple, napakaeleganteng pakinggan at nararapat lang sa mga taong hindi marunong mamili ng mga salitang bibitawan sa kanilang kapwa. Sa panahon natin ngayon ay talagang dumarami na ang mga taong walang modo kung manghusga ng kanilang kapwa.

Dapat ay mas maging maingat tayo at sensitibo sa mga ganitong bagay dahil hindi natin batid ang pinagdaraanan ng isang tao, sikat man ito o hindi.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media