Connect with us

Showbiz

Lyca Gairanod, ipinasilip ang kaniyang bago at napakagandang sasakyan na naipundar niya dahil sa kaniyang pagsusumikap!

Published

on

Si Lyca Jane Epe Gairanod ay 16 na taong gulang na mang-aawit at aktres. Siya ang tinanghal na Grand Winner ng first season ng “The Voice Kids Philippines”. Hindi na lingid sa publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay.

Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya ngunit hindi ito naging hadlang upang sumuko sila sa buhay. Kahit bata pa noon si Lyca ay talagang tumutulong siya sa kaniyang ina na mangalakal ng mga bote, garapa, karton, plastic at kung ano ano pang mga kalakal na maaari nilang pagkakitaan.

Sa murang edad din ay kumakanta na si Lyca at madalas nga ay binibigyan pa siya ng kanilang mga kapitbahay ng pagkain kapalit ng kaniyang pag-awit. Dito na nagsimula ang interes niya sa pagkanta at pagsali sa maraming mga patimpalak.

Hindi na nakapagtatakang nanalo siya bilang Grand Winner ng The Voice dahil talaga namang napakahusay niya pagdating sa pag-awit. Ilang taon pa ang nakalipas at unti-unti nang nakapagpundar si Lyca para sa kaniyang pamilya.

Kung dati ay hindi ganoon kaayos ang kanilang tahanan, ngayon ay mas maayos at mas maganda na ito. Unti-unti niya itong pinaayos at pinagawa mula sa kinikita niya sa kaniyang trabaho.

Kamakailan lamang ay ibinahagi din niya sa kaniyang mga tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel na nakabili na siya ngayon ng isang magandang sasakyan. Noon pa man ay sanay na siyang mag-commute patungo sa kaniyang trabaho.

Talagang naging hilig na niya ito kahit pa nagsisimula na siya sa kaniyang karera. Ngunit naroon pa rin ang kaniyang pagnanais na makapagpundar ng pangarap niyang sasakyan.

Pinagsikapan niya ng husto ang pagtatrabaho upang sa wakas ay makamit niya ang kaniyang pangarap na sasakyan. Marami din daw siyang sasakyan ngunit ang sasakyang ito ang pinakagusto niya sa lahat.

Tunay nga na “deserve” ni Lyca ang mga bagay na mayroon siya ngayon. Hindi lamang siya nangangarap para sa kaniyang sarili kundi para na rin sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media