Connect with us

Showbiz

Zeinab Harake, ipinasilip na sa publiko ang mukha ng napakagandang biyaya na natanggap nila ngayon ng kaniyang nobyong si Skusta Clee!

Published

on

Napakarami nang mga Pilipino ang nabibigyan ng pagkakataong sumikat at makilala sa buong mundo dahil sa vlogging. Isa na marahil ito sa pinapangarap ng marami sa atin ngayon maliban sa pagiging isang artista ay talagang malaki rin ang maaari mong kitain sa vlogging o pagiging isang video content creator.

Si Zeinab Harake ang isa sa pinakasakit na mga Pinoy vlogger sa ngayon. Hindi lamang siya minahal ng kaniyang mga tagahanga dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan kundi maging sa kaniyang pagiging simple at “kalog”.

Mahahalata kasi sa kaniyang mga videos kung gaano siya kasayahin at kung paano siya makitungo sa kaniyang mga kaibigan. Sa ngayon ay ganap na siyang isang ina.


Mayo 1 nang isilang niya via caesarean section ang anak nila ng kaniyang nobyong si Skusta Clee. Hindi man naging maganda ang kaniyang karanasan noon nang una niyang malaman na siya ay nagdadalang-tao, lahat ng ito ay nasuklian ng napakagandang biyaya ng mahawakan na nila ang kanilang anak na si Baby Bia.

Si Zeinab ay isang “first time mom” sa edad na 22 taong gulang. Kahit na marami ang humusga sa kaniya noon ay talagang wala nang mapagsidlan pa ang kaniyang kaligayahan dahil sa wakas ay kapiling na nila si Baby Bia.

Ayon naman sa post ng kaniyang nobyong si Skusta Clee, “Sa gitna ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Biglang tumigil ang mundo. Pinakamagandang biyaya na ibinigay sa amin ng Panginoon. Tatay na ko pare.”

Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang bumati sa kanilang dalawa sa biyayang ito na kanilang natanggap. Tunay nga na hindi madali ang magbuntis ng 9 na buwan at hindi rin biro ang hirap ng panganganak ngunit lahat ng ito ay masusulit sa oras na makita at mahawakan mo na ang iyong bagong silang na sanggol.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media