Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna at Derek Ramsay inulan ng maraming komento dahil sa video nilang ito online!

Published

on

Nabigla ang marami nang mabalita ang madalas na pagkikita nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa tahanan ng aktor sa gitna ng pandemya. Maraming mga bulong-bulungan noon na sila ay nagkakamabutihan na ngunit walang ano mang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Lumipas pa ang ilang mga linggo at bigla na lamang nilang ginulat ang publiko dahil sa pag-aalok ng kasal ni Derek sa aktres. Agad namang tinanggap ni Ellen ang alok ng kaniyang nobyo.

Naging napakabilis man ng mga pangyayari ay masayang masaya naman ang dalawa sa kanilang naging desisyon. Nang minsang tanungin ang dalawa kung bakit napakabilis ng kanilang mga naging desisyon ay sinabi na lamang nilang tamang panahon nangyari ang lahat ng ito.


Bagamat kakahiwalay pa lamang ni Derek sa aktres na si Andrea Torres ay naging mabilis ang pagbubukas nito ng kaniyang puso para kay Ellen. Ayon naman kay Ellen, malaking bagay ang ginawa niyang training sa Bali, Indonesia upang maayos niya ang kaniyang sarili.

Marami na silang mga video at mga larawang kumakalat online. Isa na nga sa mga ito ay ang kanilang video na inulan ng maraming mga komento at pambabatikos online.

Sa video kasi na ito ay makikita si Ellen na tumalon kay Derek at nang sapuhin siya ng aktor ay binuhat siya ng husto nito upang hindi siya malaglag. Maraming mga netizens ang hindi natuwa sa video nilang ito kahit pa nga kitang-kita naman kung gaano sila kasaya habang ginagawa nila ang kulitan nilang ito.

Para naman kina Ellen at Derek ay wala silang pakialam sa komento ng ibang tao patungkol sa kanilang relasyon. Ang mahalaga sa kanilang dalawa ay masaya sila sa kung anong mayroon sila sa ngayon. Ito naman ang naging pahayag ni Derek patungkol sa mga taong bumabatikos sa pag-aalok niya ng kasal kay Ellen:

“Pero ako, gusto ko. Kaya ilang beses ko na sinasabi na gusto ko, ganun pa rin ang iniisip ng tao. Kaya nga sinabi ko, I’ll have the last laugh because I know one day I’ll get married. For sure. Ayoko lang magpakasal sa tao na hindi pala yun ang tama para sa akin.” Pahayag ni Derek.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media