Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, kinagiliwan ng publiko matapos magbahagi ng ilang tips kung paano dapat umawra ang isang “full-time mom”

Published

on

Sabi nila kapag daw naging isang ina ka na ay marami nang mga bagay ang mababago sa iyo. Mas magiging responsable at disiplinado ka daw dahil sa hindi na lamang sarili mo ang iyong iintindihin kundi lalo na ang kapakanan ng iyong anak at asawa.

Madalas ay nakakalungkot na lamang isipin na maraming mga nanay sa ngayon ang madalas ay hindi na naalagaan ang kanilang mga sarili dahil masyadong abala sa trabaho at sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa ibinahaging mga larawan at video ni Ellen Adarna online.

Kasama niya ang anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Habang naglalaro ang kaniyang anak ay inaasikaso niya ito.

Hindi rin nagpaawat ang sikat na model at aktres na umawra ng bongga sa kalagitnaan ng kaniyang mommy duties. Talaga namang makikita sa kaniyang mga mata kung gaano siya kaligaya sa ngayon.


Maaalalang naging kontrobersiyal noon ang biglaang pag-alis nina Ellen at John sa isa sa kanilang mga proyekto kasama ang aktres na si Toni Gonzaga. Hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at naging co-parent na lamang sila para sa kanilang anak na si Elias.

“Happily engaged” na ngayon si Ellen sa aktor na si Derek Ramsay. At kahit nga isa na siyang ina ay hindi pa rin niya pinababayaan ang kaniyang pangangatawan lalong lalo na ang kaniyang kalusugan.

Isang patunay lamang ito na kahit pala gaano kaabala ang isang tao, kung talagang paglalaanan niya ng oras at panahon ang isang bagay ay hinding-hindi siya mabibigo. Talaga namang napakaganda pa rin ng kaniyang balingkinitan na katawan.

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Siya ang unica hija ng kaniyang Filipina-Chinese na ina at Pinoy na ama. Ang kanilang pamilya ang may-ari ng ilang mga hotels, condominium, at “Queensland” na isa sa pinakakilalang motel chain sa Cebu.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media