Connect with us

Showbiz

Mga sikat na artistang may sarili nilang taniman ng gulay at prutas nagsilbing inspirasyon lalo na ngayong pandemya!

Avatar

Published

on

Sa panahon ng pandemya ay nasubukan nating mas maging responsable at disiplinado. Kung noon ay nasanay tayo na bumibili na lamang ng halos lahat ng ating pagkain, ngayon ay mas marami na ang gustong magtanim ng sarili nilang mga pagkain.

Kung ikaw kasi mismo ang magtatanim ng gulay at prutas na kakain mo at ng iyong pamilya ay makakatiyak kang sariwa at ligtas ang mga ito. Mas makakatipid ka pa at hindi mo na kakailanganin pang gumastos ng malaki.

Narito ang ilan sa mga sikat na artistang mayroon nang sarili nilang taniman ng gulay at prutas.

LIZ UY


Ang sikat na fashion editor at stylist na si Liz Uy ay minsan nang nagbahagi ng ilang mga larawan nila ng kaniyang anak na si Xavi habang sila ay nasa kanilang hardin. Kapansin-pansin din ang malalago nilang halaman na lalo pang lumalaki dahil sa kanilang pag-aalaga sa mga ito.

NERI NAIG-MIRANDA


Noon pa man ay hindi na raw talaga mahilig lumabas si Neri, misis ni Chito Miranda na vocalist ng bandang Parokya ni Edgar. Sa halip na lumabas ng bahay ay mas nais pa raw niyang magtanim sa kanilang hardin at asikasuhin ang kanilang tahanan. Ibinahagi rin niya sa isang video noon ang mga tanim nilang kamatis, sili, talong at marami pang iba katuwang niya ang kaniya ina na si Nanay Lita.
CHESCA KRAMER


Sa napakagandang dream house ng pamilya Kramer ay mayroon din silang maraming mga pananim. Malaki ang pasasalamat ng buong pamilya dahil sa nagagawa nilang makapag-ani ng maraming mga gulay at prutas sa mismong taniman nila sa kanilang tahanan.

MYLENE DIZON


Madalas makita sa Instagram posts ng bigating aktres na si Mylene Dizon ang k aniyang organic farm sa Cavite. Hinihikayat niya rin ang publiko na magtanim rin ng maraming mga halaman upang mayroon silang mapagkukunan ng pagkain sa gitna ng pandemya.

ZSA ZSA PADILLA


Casa Esperanza ang pinangalan ni Zsa Zsa Padilla sa kaniyang malawak na farm hango sa kaniyang tunay na pangalan. Ito ay matatagpuan sa Lucban Quezon. Tulad ng ilang mga farm ay marami ring maaaring maani rito tulad na lamang ng talong, labanos, kale at marami pang iba.

COCO MARTIN


Isa rin si Coco Martin sa maraming mga sikat na artistang nagbabahagi ng kanilang mga pananim online. Minsan na niyang ibinahagi ang ilang mga larawan ng knaiyang mga pananim sa kaniyang malawak na hardin. Ito ay matatagpuan lang din sa kaniyang bakuran.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media