Connect with us

Showbiz

Donnalyn Bartolome hindi nagdalawang-isip na supalpalin ang ilang mga netizens na nagdidikta sa kaniya na dapat na siyang mag-asawa!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan noon at ngayon ang makarinig ng mga salita mula sa kanilang mga magulang, o kahit pa sa kanilang mga lolo at lola. Madalas kasi silang nagpapaalala ng maraming mga bagay para sa ikabubuti ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil na rin sa marami nilang karanasan kung kaya naman tiwala ang mga mahal nila sa buhay na nais lamang ng mga ito na sila ay mapabuti ng husto. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na mas marami nang mga tao ngayon ang tila ba nasobrahan na sa pagpuna sa ibang tao at maging ang mga taong hindi naman dapat nila pinupuna ay madalas pang makarinig ng kanilang mga komento.

Kamakailan lamang ay hindi na napigilan pa ng sikat na social media personality na si Donnalyn Bartolome na sagutin ang mga netizens na pilit nagsasabi sa kaniyang mag-asawa na siya. Isa sa kaniyang mga followers online ang nagkomento sa isang larawan ni Donnalyn at nagsabi itong “Mag-anak ka na mahirap tumanda ng walang anak.”

Agad namang sumagot ang dalaga sa komento ng netizen at sinabingmas mahirap daw tumanda kung gagawin lamang “retirement” ang mga anak. Ang pagpaplano ng pagkakaroon ng mga anak para sa kaniya ay upang ang maranasan ng isang tao ang natatanging kaligayahan ng pagiging isang magulang.

Hindi upang obligahin ang mga magiging anak na sustentuhan sila o buhayin sila. Mas mabuti pa raw na maglaan ng pera para sa negosyo, health at life insurance upang makasiguro na sa panahon ng pagreretiro ay hindi na mahihirapan pa ng husto ang mga magulang.

Mayroon pang isang netizen ang nagsabing “Tumatanda ka na wala ka pangpinapakilalang jowa hahahaha”. Sinagot niya ito at sinabing “bakit? magulang ba kita?”. Isa pa sa kaniyag mga followers ang nagsabing “mag-asawa ka na Dona mahirap tumanda mag-isa”.

Naging matapang naman ang pahayag ni Donna na mas mahirap kung tatanda ang isang tao na mali ang pinakasalan. Sa ngayon ay 26 taong gulang pa lamang si Donnalyn kung kaya naman wala siyang dapat ipagpamadali.

Sa ngayon ay isa siya sa pinakasikat na vlooger a YouTuber sa bansa. Isa rin siyang mahusay na singer, songwriter, rapper, at aktres.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media