Connect with us

Showbiz

Jake Ejercito, hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa pagiging mabuting ama nito sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie

Published

on

Hindi madaling maging isang magulang. Talaga namang kakailanganin mong magsakripisyo at magsumikap para sa iyong anak na siyang nakadepende at nakaasa sa iyo.

Sa kabila ng napakaraming pagsubok at hamon ng pagiging isang magulang ay masaya itong niyakap ng aktor na si Jake Ejercito. Si Juan Emilio Ejercito o mas hinangaan natin bilang si Jake Ejercito ay 31 taong gulang na aktor at modelo.

Naging kontrobersiyal ang kaniyang pangalan noon nang mabalita na siya pala ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Eigenmann. Inakala ng marami na si Albie Casiño ang ama ni Ellie ngunit ang katotohanan ay si Jake pala talaga ito.

Taong 2011 nang isilang ni Andi si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann. Sa ngayon ay 10 taong gulang na si Ellie at talagang napakaganda na nito. Mayroon siyang anggulo na kamukha niya ang kaniyang ina na si Andi ngunit ayon sa maraming mga netizens ay mas kamukha niya ang kaniyang ama na si Jake.


Madalas ring makita ang mga larawan at video nina Jake at Ellie na magkasama. Hindi lamang paggawa ng TikTok videos ang hilig nila dahil sa madalas din silang maglaro ng video games, maglangoy at pumunta sa beach.

Marami na rin silang mga lugar na napasyalan. Hindi man nakita at nakasama ni Jake ng mahabang panahon si Ellie dahil sa nasa ibang bansa ito noon ay talagang bumabawa siya ng husto sa bawat araw na nagkakasama sila.

Hands-on at protective daddy si Jake sa kaniyang unica hija. Malaki rin ang kaniyang pasasalamat kay Andi dahil sa kapatawaran na ibinigay nito sa kaniya.

Malaya din niyang nakakasama ang kaniyang anak lalo na kung mayroong mga espesyal na okasyon ang pamilya. Kahit na “modern co-parenting” ang set up nina Jake at Andi dahil sa mayroon na ring sariling pamilya ang aktres ay iisa lamang ang nais nila para sa kanilang anak na si Ellie, ang mapabuti ito at lumaki ng masaya sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media