Connect with us

Showbiz

Masaya at simpleng buhay sa isla ng pamilya nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino!

Published

on

Maraming mga artista ang tiyak na magsasabing nais nila ng magandang buhay para sa kanila at sa kanilang pamilya kung kaya naman pinasok nila ang showbiz. Malaki kasi ang posibilidad na talagang makapagpundar ka kaagad ng bahay at lupa, sasakyan, mga magagarang damit at sapatos kung ikaw ay isa nang sikat na artistaa.

Ngunit hindi pala lahat ng mga nag-aartista ay yaman lamang ang gusto. Mayroon din palang ilan sa kanila na nagnanais din ng masaya at simpleng buhay malayo sa magulong mundong kanilang nakagisnan.

Tulad na lamang ng aktres na si Andi Eigenmann na mas pinili nang manirahan sa isang isla at doon na bumuo ng pamilya. Si Andrea Nicole “Andi” Guck Eigenmannay 30 taong gulang na.

Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang namayapang aktor na si Mark Gil. Noong una ay hindi pa makapaniwala ang publiko na ang kaniyang karelasyon ay ang professional surfer na si Philmar Alipayo.


Siya ang kauna-unahang kampeon ng Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division noong taong 2017. Kamakailan lamang ay nagbahagi sila ng kanilang bagong video sa YouTube channel nilang “Happy Islanders”.

Makikita dito ang napakasimple ngunit nakapasaya nilang pamumuhay. Nanghuhuli ng malalaking alimango si Philmar habang nagbabantay naman ng kanilang mga anak si Andi.

Naglalaro kasi sina Ellie at Lilo kasama ang kanilang mga kaibigan. Talaga namang sa panahon ng pandemya ngayon, maraming mga Pilipino ang nangangarap na makalabas ng kanilang mga bahay at makapunt ang beach.

Ngunit libre itong nagagawa ng pamilya nina Andi at Philmar dahil sa isla mismo sila nakatira. Napakasarap lang makita ang mga batang ito na nagtatampisaw at naglalaro sa tabing-dagat.

Kung sana ay mas maraming tao ang magkakaroon ng pagnanais na mamuhay lamang ng simple, mas magiging masaya at madali sana ang buhay. Tulad na lamang ng lumalaking pamilya ngayon nina Andi at Philmar.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media