Connect with us

Showbiz

Francine Diaz inamin na nalubog sila sa utang noong hindi pa siya artista kung kaya naman kinailangan niyang magtrabaho sa edad na 14 na taong gulang!

Published

on

Si Francine Carrel Saenz Diaz o mas nakilala ng publiko bilang si Francine Diaz ay 17 taong gulang na aktres at endorser. Ilan sa mga nagawa na niyang proyekto ang “Be My Lady”, “We Will Survive”, “Ikaw Lang ang Iibigin”, at marami pang iba.

Photo credit: Francine Diaz Instagram

Mas lalo pa siyang hinangaan sa naging mahusay niyang pagganap sa TV series na “Kadenang Ginto” taong 2018-2020 bilang si Cassandra Mondragon. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang naranasang paghihirap noon ng pamilya ni Francine.

Kung kaya naman sa murang edad ay naging breadwinner na siya. Naalala pa niya noong mga panahong hindi sila makabayad ng renta ng inuupahan nilang bahay ay talagang pinalayas sila rito.

Photo credit: Francine Diaz Instagram

Maging sa kuryente at tubig nila ay madalas din silang hindi makabayad kung kaya naman palagi rin silang napuputulan. Hindi rin nakaligtas ang pambayad niya ng libro at iba pang gastusin sa paaralan dahil sa talagang kapus sila noon.

Kung kaya naman sa edad na 14 na taong gulang ay talagang nangarap na siya at sinikap na niyang pumasok sa industriya ang showbiz. Nagsimula si Francine sa isang TV commercial ng AVP para sa isang kompanya ng kotse at mula nga noon ay mas lalo pa siyang nagsumikap para sa kaniyang pamilya.

Photo credit: Francine Diaz Instagram

Mayroon din siyang mensahe para sa pitong taong gulang niyang sarili, ayon kay Francine ay i-enjoy lamang niya ang pagiging bata nito. Proud na proud din daw siya dahil sa murang edad ay handa na siyang sumubok ng maraming mga bagay kung saan hindi siya talaga magaling.

Sa ngayon ay mas marami pang mga proyekto ang dumarating sa kaniya. Isang patunay lamang ito na walang imposible sa isang tao na mayroong pangarap para sa kaniyaang pamilya.

Photo credit: Francine Diaz Instagram

Kahit gaano man kahirap ang buhay ay hindi ito magiging hadlang upang matupad niya ang kaniyang ninanais na buhay para sa kaniyang mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media