Connect with us

Showbiz

Coleen Garcia inamin na nakaranas siya ng postpartum anxiety matapos isilang ang panganay nilang anak ni Billy Crawford na si Baby Amari!

Published

on

Marami sa atin ang makapagpapatunay na hindi biro ang maging isang ina. Napakagandang karanasan at biyaya nito para sa mga kababaihan ngunit talagang napakalaking pagbabago din nito.

Photo credit: Coleen Garcia instagram

Kung noon ay tanging sarili lamang nila ang kanilang iniisip, mas kailangan nilang unahin ang kapakanan ng kanilang anak at maging ng kanilang asawa. Mahirap maging isang mabuting asawa at ina lalo na sa panahon ngayon na maraming mga pagsubok sa araw-araw ang kailangan nilang harapin sa araw-araw.

Photo credit: Coleen Garcia instagram

Kung kaya naman kailangan talaga nila ng matinding suporta mula sa kanilang pamilya at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng sikat na aktres, host, at modelo na si Coleen Garcia kung paano siya nakaranas ng postpartum anxiety matapos niyang isilang ang panganay nilang anak ni Billy Crawford na si Baby Amari!

Photo credit: Coleen Garcia instagram

Ayon sa naging pagbabahagi ni Coleen, bago pa man siya magbuntis at manganak ay mayroon na siyang nararanasang pag-aalala, nahinto lamang ito sandali nang siya ay magdalang-tao na ngunit nang makapanganak na siya ay napansin niyang mas naging mahirap ang lahat sa kaniya.

“My mind takes me to places na hindi na talaga normal, honestly.” Pahayag ni Coleen.

Photo credit: Coleen Garcia instagram

“And I would just get so nervous, so stressed, so anxious over nothing, and it would get me so drained, physically drained, because when you’re mentally drained, you become physically drained as well. And I’d be tired almost every day just because my mind was racing. Ang dami kong iniisip na napakaimposibleng mangyari.” Dagdag pa niya.

Photo credit: Coleen Garcia instagram

Laking pasasalamat niya dahil sa ngayon ay marami nang mga nanay ang nagbabahagi ng mga naging karanasan nila noon. Kung kaya naman batid ng maraming mga kababaihan na normal lamang makaramdam at makaranas ng ganito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)

Sa ngayon ay masayang masaya at kuntento na si Coleen sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang mister na si Billy at anak nilang si Amari.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media