Connect with us

Showbiz

Herlene Budol ibinunyag na ang pinakabonggang regalo na natanggap niya mula kay Kuya Wil!

Published

on

Si Herlene Nicole Budol o mas nakilala natin bilang si Hipon Girl ay ang 24 na taong gulang na host, aktres, at komedyanteng hinahangaan ng marami sa atin. Una na siyang hinangaan sa “Wowowin” kung saan siya unang nakilala ni Kuya Wil sa sikat na segment ng programa na “Willie of Fortune”.

Kinagiliwan siya kaagad ng marami dahil sa kaniyang karisma, kaseksihan at sa kaniyang kasimplehan. Kamakailan lamang ay naimbitahan siya sa segment ng Mars Pa More nina Iya Villania at Camille Prats.

Ito ay ang “Lightning Laglagan” kung saan kakailanganin niyang sagutin ang mga tanong para sa kaniya. Una nang tinanong sa kaniya ang pinakamahal na bagay na nabili niya para sa kaniyang sarili.

Ito ay walang iba kundi ang kaniyang sapatos na “Nike” na nagkakahalaga diumano ng higit sa Php4,600. Halos lahat ng kaniyang mga gamit ay bigay lamang sa kaniya ng ibang tao kung kaya naman talagang masayang masaya siya nang sa wakas ay makabili siya ng isang pares ng sapatos mula sa perang kaniyang pinaghirapan.

Samantala, nang tanungin naman siya kung nagkaroon ba siya ng kaalitan sa showbiz, isa lamang ang kaniyang naging sagot. Isang beauty queen diumano ang kaniyang nakaalitan dahil sa pagiging ma-attitude nito.

Tinanong din siya kung sino ang kayang-kaya niyang tapatan sa showbiz at ang beauty queen rin na ito ang kaniyang naging sagot. Hindi rin siya nagdalawang-isip na sagutin ang katanungan patungkol sa lalaking nagpapatibok ngayon ng kaniyang puso, walang iba kundi ang kaniyang “Bebeloves”.

Kung sakaling aalukin daw siya ng mga daring role ay hindi raw niya ito aatrasan. Tatanggapin niya raw ito dahil sa nais niya rin itong masubukan at nais niyang mas lumawak ang kaniyang karanasan sa industriyang ito.

Nang tanungin naman siya kung ano nga ba ang pinakabonggang regalo na natanggap niya mula kay Kuya Wil, ang tanging sagot lamang niya ay:
“Yung pangarap ko po, natanggap ko na eh. ‘Yun. Priceless po kasi sa’kin lahat eh. Yung mga perang binibigay niya sa’kin, mas worth it po ‘yung binigyan niya ko ng tiyansang mapunta po dun sa kanya po,”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media