Connect with us

Showbiz

Myrtle Sarrosa nagkasakit pala sa kaniyang bituka dahil sa kaniyang “bad eating habits”!

Published

on

Si Myrtle Abigail Porlucas Sarrosa ay 26 na taong gulang na aktres,cosplayer, host, singer, songwriter at gamer. Mas lalo pa siyang nakilala sa industriya ng show business matapos siyang hirangin bilang “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 Big Winner”.

Talaga namang napakarami na rin niyang nagawang proyekto sa pelikula man o sa telebisyon kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas mature na siya ngayon lalo na sa kaniyang mga role sa harap ng kamera. Sa kabila ng kaniyang tagumpay na tinatamasa ay nakaranas pala ng matinding pagsubok si Myrtle sa kaniyang buhay kung saan hindi niya akalain na magkakaroon siya ng sakit sa bituka.

Ang kaniyang “chronic disease” sa bituka ay dahil sa hilig niya sa kape aat pagkain ng karne. Kinumusta ng mga host ng programang “Mars Pa More” ang dalaga at doon nga ay ibinahagi niya kung paano at bakit siya nagkasakit.


“Nag-start ang year ko medyo challenging siya. Kasi nagkasakit ako. Nagkaroon ako ng chronic disease sa intestine ko. Wherein nahirapan na yung body ko na mag-digest ng food,” Pagbabahagi ni Myrtle sa mga host na sina Iya Villania at Camille Prats.

Hinala ni Myrtle na dahil ito sa kaniyang “bad eating habits”. Madalas daw niya kasing gawin noon ay uminom kaagad ng kape pagkagising sa umaga at tanging iyon lamang ang nilalaman niya sa kaniyang sikmura.

Tumaas ang acid sa kaniyang katawan kasabay na rin ng naging epekto ng labis na pagkain niya ng karne, karne ng baboy at iba pang klase ng karne. Nagsumikap naman siya na baguhin ang mga ito upang mas maging maayos na ang kaniyang kalusugan. Sa ngayon ay mas kumakain na siya ng mga gulay at prutas. Nagsisimula na rin siyang umiwas sa pagkain ng karne. Tunay nga na walang pinipiling edad o estado sa buhay ang mga karamdaman kung kaya naman dapat ay mas maging maingat at maalaga tayo lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media