Connect with us

Showbiz

Robin at Mariel Padilla, kapos na ngayon at nagagalaw na rin ang ipon para sa kanilang mga anak dahil sa hirap ng buhay!

Published

on

Napakarami na ring nangyari mula nang kumalat sa bansa ang nakakahawang sakit na COVD-19. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi nababakunahan at mas marami pa rin ang mga taong nahahawa at nagpopositibo sa sakit.

Ginagawa naman ng gobyerno ang lahat upang matulungan ang mga Pilipino ngunit talagang napakahirap ng kalagayan natin sa ngayon. Nang minsang magbigay ng kaniyang komento ang ating Pangulo na si President Rodrigo Roa Duterte ay sinabi niyang mayroong ginagawa ang gobyerno ngunit talagang maliit lang at kakaunti lamang ang pinansyal na tulong na maaari nilang ilaan sa milyong-milyong Pilipino.

Hindi lamang mga ordinaryong Pilipino ang nagkomento patungkol dito ngunit maging ang ilang mga sikat na personalidad tulad na lamang ng sikat na aktor na si Robin Padilla. Sa kaniyang naging pahayag ay ibinahagi niyang maging ang buo nilang pamilya ay naghihigpit na rin ng husto ng kanilang sinturon.

Maging ang ipon daw nila para sa edukasyon ng kanilang mga anak ay unti-unti na rin nilang nagagalaw. Ayaw nilang mahirapan ang mga taong nasa poder nila kung kaya naman ang kanilang mga sweldo ay sa kanila na lamang napupunta.

Kinakailangan na ding kumilos at tumulong ng kaniyang misis na si Mariel Padilla upang makaraos ang bong sambahayan nila.

“Ang mga savings ay naghihingalo na kaya’t pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hangga’t maaari ayaw namin sila maghirap kaya’t ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila.” Pahayag ng aktor.

“Ang asawa ko ay nag negosyo na rin para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog sa kakaalaga sa pamilya niya at sa pag aayos ng karne niya pero kinakailangan niya kumilos.” Dagdag pa niya.

Bago matapos ang kaniyang post ay nagbigay inpirasyon siya sa publiko na magagawa rin nating malampasan ang pandemyang ito kung tayo ay magtutulong-tulong.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media