Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay nag-post ng video at larawan ng kaniyang fiancée na si Ellen Adarna kung saan kitang kita na nakanganga pa siya habang natutulog!

Published

on

Si Derek Ramsay o si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. sa tunay na buhay ay 44 taong gulang na aktor, modelo, TV host, VJ, at atleta. Marami na ang nagawa niyang proyekto sa telebisyon at pelikula kung kaya naman hindi maipagkakaila na isa siya sa pinakasikat na aktor ngayon sa bansa.

Nasorpresa ang publiko ng mapabalita ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres na inakala rin ng kanilang mga tagasuporta na makakatuluyan na nito. Ilang buwan pa lamang ng kanilang naging paghihiwalay ay napabalita na ang pagiging malapit ni Derek at Ellen, nagkaroon na nang naging espekulasyon na sila nga ay magkarelasyon na ngunit hindi rin nila ito kaagad ipinaalam sa publiko.

Ilang araw pa ang lumipas at inamin na ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon kasunod na nito ang pag-aalok ng kasal ng aktor. Agad namang tinanggap ni Ellen ang proposal ng kaniyang nobyo.
Naging mabilis man ang lahat ng pangyayari ay sinabi naman ng dalawa na tunay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. Kamakailan lamang ay nagbahagi si Derek ng larawan at video ni Ellen kung saan makikitang tulog na tulog ito sa loob ng sasakyan.

Nakanganga din ang aktres habang kinukunan ng video kung kaya naman tuwang tuwa si Derek at ang kanilang mga kasama sa loob ng sasakyan. Marami din namang mga netizens ang natuwa dahil sa pangyayaring ito.

Tila ba punong-puno ng kaligayahan ang relasyon ng dalawa. Laking pasasalamat din nila dahil sa wakas ay natagpuan na nila ang isa’t-isa.

Kahit sa maiksing panahon ng kanilang pagsasama ay talagang marami na rin silang nadidiskubre tungkol sa bawat isa. Maaalalang si John Lloyd Cruz ang karelasyon ni Ellen noon kung saan nabiyayaan nga sila ng isang anak, si Elias Modesto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Sa ngayon ay co-parent silang dalawa para sa kanilang anak. Samantala, si Derek naman ay mayroon na ding anak sa dati niyang asawa na si Mary Christine Jolly na nakilala bilang si Austin Gabriel.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media