Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang kapatid na babae ng aktres na si Kristine Hermosa na tulad niya ay mayroon ding angking kagandahan at talento sa pag-arte!

Published

on

Si Kristine Hermosa Orille-Sotto o mas nakilala natin bilang si Kristine Hermosa ay 36 na taong gulang na aktres at endorser. Noon pa man ay marami na ang nagsasabi na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Hindi rin maipagkakaila na isa rin siyang mahusay na aktres. Minsan na niyang pinatunayan ito sa dati niyang proyekto kasama ang matinee idol na si Jericho Rosales sa teleserye nilang “Pangako Sa’Yo”.

Kasunod nito ang ilan pa niyang mga matagumpay na proyekto tulad na lamang ng “Sana’y Wala Nang Wakas”, at “Dahil May Isang Ikaw”. Taong 2000 hanggang 2010 ay talagang ipinamalas niya ang pambihira niyang husay sa pag-arte dahil na rin sa mga natatangi niyang pagganap sa ilang mga teleserye at pelikula.

Ngunit kalaunan ay napagdesisyunan na rin niyang lumagay sa tahimik at pagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya. Taong 2011 ay nagpakasal sila ng kaniyang nobyo na si Oyo Boy Sotto.

Biniyayaan sila ng apat na mga anak at Disyembre 2020 ay ibinahagi nilang nagdadalang-tao muli ang aktres. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroong kapatid na artista si Kristine.
Siya ay walang iba kundi si Kathleen Hermosa Orille, 39 taong gulang. Isa rin siyang aktres at ngayon ay isa nang sikat na vlogger at TikTokerist.

Marami ang natutuwa sa kaniyang mga videos dahil sa pagiging simple at natural nito. Tunay nga na tulad ng kaniyang nakababatang kapatid na si Kristine ay isa ring mahusay na aktres si Kathleen.

Marami din ang nagagandahan sa kaniya at humahanga dahil sa pag-aalaga nito sa kaniyang katawan lalo na ngayon at malapit na siyang tumungtong sa edad na 40. Marami ang humahanga sa dalawa dahil sa pagiging sobra nilang malapit sa isa’t-isa kahit pa nga mayroon na rin silang sariling mga pamilya.

Hindi na rin nakapagtataka na nasa dugo nila Kristine at Kathleen ang pagiging maganda dahil sa mayroon silang Spanish, Chinese, at Filipino descent.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media