Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay nagpasalamat sa kaniyang fiancée na si Ellen Adarna sa pagpapangiti nito sa kaniya sa gitna ng kalungkutan!

Published

on

Sa buhay natin ngayon, mapalad na tayo lalo na kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Marami ang mga Pilipinong pinipiling malayo sa kanilang pamilya upang kumita ng mas malaking pera.

Nakakalungkot mang isipin ngunit wala silang ibang magawa kundi magsakripisyo para sa kanilang pamilya. Kahit mag-isa ay nagagawa pa rin nilang maging masaya dahil sa mayroong mga taong nagmamahal at nagpapangiti sa kanila.

Tunay nga na sa gitna ng malungkot na pinagdaraanan ngayon ng aktor na si Derek Ramsay dahil sa pagpanaw ng alaga niyang aso ay nagagawa pa rin niyang ngumiti dahil sa kaniyang fiancée na si Ellen Adarna. Nagbahagi si Derek ng mga larawan nila ni Ellen at nilagyan niya ito ng caption na “Thank you for making me laugh and smile during tough times!”

Maraming mga netizens ang kinilig sa naging pahayag na nito ni Derek kalakip ang kanilang mga sweet na larawan. Isang biyayang maituturing mula sa Diyos kung talagang nakatagpo ka na ng taong para sa iyo.


Taong nakakaintindi sa iyo at nakakakilala. Iyong tao na makapagpapangiti sa iyo at makapapawi ng iyong pagod sa araw-araw.

Ang mga ito ang mga bagay na hinding-hindi kayang bilhin ng pera kung kaya naman hindi rin lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ito. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami nang naging karelasyon noon ang dalawa.

Ang dating partner ni Ellen ay ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz. Nabiyayaan sila ng isang anak, si Elias Modesto.

Co-parent na lamang ang ugnayan nilang dalawa. Habang si Derek naman ay hiwalay na rin sa kaniyang nobya noon na si Andrea Torres.

Ilang buwan matapos ng kanilang hiwalayan ay napabalita na ang pagiging malapit nila ni Ellen. Marami man ang humuhusga at bumabatikos dahil sa naging mabilis na relasyon nina Derek at Ellen ay palagi naman nilang ipinapakita at ipinapaalala sa publiko na hawak pa rin nila ang kanilang kaligayahan at walang sino man ang makakapagdikta nito sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media