Connect with us

Showbiz

Buhay ni PBB Otso Big Winner Yamyam Gucong, nagpamangha at nagbigay inspirasyon sa publiko!

Published

on

Madalas nating marinig na basta’t masipag ka ay hinding-hindi ka magugutom lalo na kung ikaw ay nakatira sa probinsiya. Halos kasi lahat ng kailangan mo mula sa pagkain, malinis na tubig at hangin at talagang matatagpuan mo dito.

Isa na marahil sa mga kilalang probinsiyano sa industriya ng showbiz ay si Yamyam Gucong o si William Gucong sa tunay na buhay. Siya ay 27 taong gulang na aktor, komedyante, at video content creator.

Siya ang tinanghal na Big Winner sa Philippine reality television series na “Pinoy Big Brother: Otso”. Nakuha niya ang atensyon ng maraming manunuod dahil sa pagiging simple at totoo niya.

Naging kaibigan pa nga niya sa loob ng bahay ni Kuya ang Hapon na si Fumiya. Ingles at Japanese lamang ang alam niyang lenggwahe kung kaya naman talagang hirap siyang magsalita at umintindi ng Tagalog.

Kung kaya naman sinikap ni Yamyam na turuan si Fumiya kung paano mag-Tagalog. Nabigyan na rin siya ng ilang mga proyekto buhat ng siya ay magwagi sa naturang kompetisyon.

Sa ngayon ay marami na siyang naipundar para sa kaniyang pamilya. Mayroon na siyang isang bakery ngayon sa kanilang probinsiya at kasalukuyan din silang nagsasaka ngayon sa kanilang bukid.

Naitampok pa niya sa kaniyang video kung paano sila nag-aani ng mga mani at mais. Maging ang paggawa ng corn rice ay ipinasilip niya rin sa kaniyang mga tagasubaybay.

Talaga nga namang kung ikaw ay masipag at determinado sa buhay ay hinding-hindi ka magugutom kahit pa sabihing mahirap ka. Patunay lamang si Yamyam na kahit gaano kahirap ang mga pinagdaraanan natin sa buhay, kahit pa nga ipinanganak tayong mahirap ay tayo pa rin ang gagawa ng ikatatagumpay natin sa buhay.

Huwag lamang tayong mawalan ng pag-asa at pananampalataya sa Diyos. Tiyak na ang nais ng ating puso at makakamit din natin sa tamang panahon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media