Connect with us

Showbiz

Aktres na si Julia Barretto, ipinagluto ang nobyong si Gerald Anderson matapos ang kanilang intense workout!

Published

on

Sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang isa sa pinakakontrobersiyal na celebrity couple sa ngayon. Ito ay dahil sa naging isyu nila noon sa dating nobya ng aktor na walang iba kundi si Bea Alonzo.

“Ghosting” ang naging paglalarawan ni Bea sa kinahinatnan ng kanilang relasyon dahil bigla na lamang hindi nagparamdam sa kaniya ang aktor. Talagang ikinagalit ito ng maraming mga netizens.

Nakatanggap ng maraming negatibong komento mula sa publiko ang dalawa. Napabalitang nagkakamabutihan na sina Gerald at Bea nang magtambal sila sa isang pelikula na agad naman nilang itinanggi.

Talagang naging mariin ang pagtatanggi nina Gerald at Julia patungkol sa diumano’y relasyon ng dalawa kahit hindi pa hiwalay ang aktor kay Bea. Ngunit unti-unting naglitawan ang ilang mga larawan ng dalawa na tila magkasama sa iisang lugar.

Kailan na lamang nila inamin ang kanilang relasyon na talagang ikinagulat ng marami. Sa ngayon ay madalas nang makita ang mga larawan at mga video nila nang magkasama.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang vlog ni Gerald kung saan tinuruan niya si Julia ng kaniyang intense workout. Sinubukan din naman ng aktres ang workout na ito kahit na nga medyo hirap din talaga siya.

Binati naman ng aktor ang kaniyang kasintahan dahil sa nagawa nitong matapos ang kanilang workout. Nagbabad din sila sa swimming pool pagkatapos ng kanilang ginawa at ipinagluto na nga ni Julia si Gerald ng kaniyang Chicken Salpicao.

Beef Salpicao daw ang version ng kaniyang ina na si Marjorie ngunit mas gusto niyang manok ang ilagay dito. Naging hands-on si Julia sa paghahanda ng kanilang pagkain na ikinamangha din naman ng publiko.

Masayang pinagsaluhan ng magkasintahan ang inihandang putahe ni Julia para sa aktor. Bakas sa mata ng dalawa ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa’t-isa kung kaya naman kahit marami pa rin ang hadlang sa kanilang relasyon ay mas nais nilang pagtuunan ng pansin ang isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media