Connect with us

Showbiz

Pasimuno sa paglalagay ng mukha ni Willie Revillame sa Php5,000 Commemorative Bill, hinahanap na ngayon dahil sa gantimpalang pera mula sa naturang host!

Published

on

Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala nating lahat bilang si Willie Revillame ay 60 taong gulang na television host, singer, songwriter, negosyante, aktor, at komedyante. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang kaniyang naging pagsusumikap upang makamit ang tagumpay niya ngayon.

Isa na kasi siya sa pinakamatagumpay na personalidad ngayon sa bansa. Namulat siya sa kahirapan noon ngunit sa ngayon ay talagang napakarami na niyang ari-arian.

Hindi na mabilang ang kaniyang mga property sa loob at labas ng bansa. Gayundin naman ay marami din siyang mga negosyo at mamahaling mga sasakyan.

Ang kaniyang programa rin sa telebisyon ang isa sa mga pinakaaabangan ng publiko. Madalas kasi siyang magpamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga taong labis na nangangailangan.

Malapit din ang kaniyang puso sa mga nakakatanda at sa mga batang mayroong kapansanan. Hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino ang talagang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Kamakailan lamang ay nagulat si Kuya Wil nang makita ang isang Php5,000 Commemorative Bill na mukha niya mismo ang nasa harapan at hindi mukha ng ating bayani. Ang perang papel na ito ay nagkakahalaga ng Php5,000 na madalas din niyang ipamahagi sa kaniyang mga tagasubaybay.

Maliban sa mga katagang “Bigyan ng Jacket yan!” ay tumatak na din sa ating isipan ang “Five thousand!” na kaniyang ipinapamahagi sa publiko. Nang malaman niya ito ay agad niyang sinabi na dapat magpakilala ng taong nakaisip at gumawa nito dahil sa handa siyang magbigay ng Php15,000 para sa kaniya.

Talaga namang napakaraming natutulungan ni Kuya Wil lalo na sa panahon ng pandemya. Batid niya kasi ang hirap ng buhay kung kaya naman palagi siyang bukas-palad para sa kaniyang kapwa.

Tiyak na mas marami pang mga biyaya ang makakamit niya sa buhay dahil sa pagtulong na ginagawa niya sa kaniyang kapwa. Sabi nga ng mga nakatatanda, mas masarap ang magbigay kaysa ikaw ang tumatanggap dahil nangangahulugan ito na marami kang natatanggap na biyaya na maaari mong ipamahagi sa iyong kapwa.

SOURCE


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media