Connect with us

Showbiz

Aktres na si Beauty Gonzalez hindi alintana ang 25 taong agwat nila ng kaniyang mister na si Norman Crisologo!

Published

on

Si Christine Marie Beauty Luche Gonzalez-Crisologo o mas nakilala natin bilang si Beauty Gonzalez ay 29 na taong gulang na aktres mula sa Dumaguete City. Una na natin siyang hinahangaan noon nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” kung saan tinanghal siya bilang 4th grand placer. Binansagan din siyang “Rebellious Beauty”.

Nabigyan siya ng ilang mga proyekto kung saan mas lalong nahasa ang kaniyang pag-arte. Isa na marahil dito ang “Kadenang Ginto” na ipinalabas noong taong 2018 hanggang 2020 na pinagbidahan din nina Albert Martinez, Dimples Romana, Adrian Alandy, Andrea Brillantes, at Francine Diaz.

Hindi lamang siya isang mahusay na aktres dahil sa isa rin siyang mabuting ina at asawa sa kaniyang pamilya. Taong 2017 nang ikasal siya sa 55 taong gulang na art curator na si Norman Crisologo.
Biniyayaan sila ng isang anak, si Olivia Gonzalez Crisologo. Ngunit bago pa man makamit ng aktres ang lahat ng bagay na mayroon siya ngayon ay humarap din sa matinding pagsubok ang kanilang pagmamahalan.

Hindi kasi maipagkakaila na malaki ang agwat ng edad nila ni Norman kung kaya naman maraming mga tao ang talagang humuhusga sa kanilang relasyon noon. Sa kabila ng mga mapanghusgang mata ay nanatili pa ring matatag ang dalawa at ngayon nga ay ilang taon na rin silang kasal.

Masayang masaya na ngayon si Beauty kapiling ang kaniyang sariling pamilya. Sa katunayan ay nagpaunlak siya kamakailan lamang ng house tour kung saan makikita ang magagandang mga koleksyon ng kaniyang asawa.

Nagmistulang mini-museum nga ang kanilang bahay dahil sa napakadaming mga art works na makikita rito. Tunay ngang hindi nagkamali si Beauty sa pagpili sa kaniyang asawa. Marami din namang mga katulad nila ni Norman na malaki ang agwat ng edad ngunit hindi kailanman nagpaapekto sa sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang kaligayahan sa buhay ay maaari nating maibigay sa ating sarili kung nais talaga nating maging masaya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media