Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang “unica hija” ng komedyanteng si Dagul na may angkin ding talento sa pag-awit!

Published

on

Si Romy Pastrana o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na “Dagul” ay isang 62 taong gulang na aktor, komedyante at pulitiko. Mayroon siyang kondisyon na “Dwarfism” ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang kaniyang mga pangarap lalo na at para rin ito sa kaniyang pamilya.

Hindi lamang siya naging mapalad na makatagpo ng taong tunay na magmamahal sa kaniya dahil sa biniyayaan din sila ng apat na mga anak, tatlong mga lalaki at isang babae. Normal ang mga anak niyang lalaki ngunit namana ng kaniyang anak na babae ang kaniyang kondisyon.

Ang “dwarfism” ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay hindi na tumataas o tumatangkad pa tulad ng isang ordinaryong tao. Kadalasan ay umaabot lamang ng 4 ft. ang kanilang taas kahit na sila ay matanda na.


Sa ngayon ay 17 taong gulang na si Jkhriez ngunit hindi siya kailan man naawa sa kaniyang sarili bagkus ay mas naging matatag siya para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Sumali rin siya sa “Star Hunt” kung saan ipinamalas niya ang angkin niyang talento sa pag-awit.

Proud na proud naman ang kaniyang mga magulang at mga kapatid dahil sa nakapasa siya sa naturang programa. Ngunit kahit pa hindi siya tuluyang nagtagumpay sa kompetisyon ay masayang masaya pa rin siya dahil sa naging masaya niyang karanasan dito.

Ibinahagi din niya na hindi naman lahat ng kaniyang pinagdaanan ay puro masasaya lamang. Naranasan din kasi niyang kutyain at maliitin ng mga tao sa kaniyang paligid.

Noong nasa ikatlong baitang siya ay sinabihan siya ng ilan sa kaniyang mga kaklase na hinding-hindi siya makakalaban sa mga ito dahil sa isang sipa lamang nila sa kaniya ay tutumba na ito. Malungkot ang karanasan niyang ito ngunit dahil alam niyang nakasuporta sa kaniya ang kaniyang buong pamilya ay mas naging positibo at matatag siya sa buhay ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media