Connect with us

Showbiz

Wais na misis na si Neri Naig, excited na para sa kanilang baby no. 2 ng kaniyang mister na si Chito Miranda!

Published

on

Si Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda o mas nakilala natin bilang si Neri Naig ay 35 taong gulang na aktres na ngayon ay isa nang matagumpay na businesswoman. Una na natin siyang hinangaan noon sa “Star Circle Quest” kung saan siya tinanghal na 6th runner-up.

Taong 2014 nang ikasal sila ng kaniyang nobyo na si Chito Miranda. Biniyayan sila ng isang anak na lalaki na ngayon ay 5 taong gulang na, si Miggy.

Nasasabik na muli ang buong pamilya dahil sa karagdagang miyembro ng kanilang pamilya. Nagdadalang-tao kasing muli si Neri at ibinahagi niya ito sa kaniyang social media post kasabay ng pagbati niya ng “Happy Mother’s Day sa mga ina ng tahanan.

Nagkaroon din siya ng isang magarang maternity shoot mula sa NicePrint Photography. Kitang-kita ang angking kagandahan ni Neri gayundin naman ay naging kapansin-pansin na ang lumalaki niyang “baby bump”.

Mayroon ding nakakatuwang post si Chito para sa kaniyang wais na misis. Ibinahagi rin niya sa kaniyang post ang larawan nila ni Neri kung saan makikitang tila ginagaya niya ang postura ng kaniyang asawa.

Paglilinaw pa niya ay busog lamang daw siya habang ang kaniyang misis ay magiging “mommy” na ulit. Kahit batid niyang magiging mahirap ito para sa kanila ay nangingibabaw pa rin ang ligaya sa kanilang mga puso dahil sa madaragdagan na naman ang miyembro ng kanilang pamilya.

Kasama din nina Chito at Neri ang anak nilang si Miggy sa maternity shoot na ito. Talaga namang napakarami na nating pinagdaanan ng mga lumipas na buwan ngunit wala pa rin talagang papantay sa biyaya ng pagiging isang ina at magulang lalo na sa panahon natin sa ngayon.

Patunay lamang ito na kahit gaano kadilim at kahirap ng sitwasyon natin sa ngayon ay marami pa rin tayong dahilan upang maging mapagpasalamat sa Diyos. Tiyak na magiging mabuting magulang sina Neri at Chito sa kanilang mga anak at magiging mga anak pa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media