Connect with us

Showbiz

Pokwang, naglabas ng saloobin niya patungkol sa mga taong tumatawag sa kaniya ng “pangit” at “chaka” na artista!

Published

on

Napakarami nang nagaganap ngayon sa ating kapaligiran. Mga pagsubok at paghihirap na tila ba wala nang katapusan.

Sinabayan pa ng pandemyang nararanasan ngayon ng maraming mga bansa sa buong mundo. Maraming mga tao ang naglalabas na lamang ng stress at sama ng loob nila sa kanilangmga social media accounts.

Maging ang ilan sa mga hinahangaan nating personalidad ay nagbabahagi rin ng kanilang mga opinyon online. Halimbawa na lamang ang sikat na komedyanteng si Pokwang.

Kamakailan lamang ay napansin ng publiko ang pagsagot niya sa isa sa mga netizen na nagkomento patungkol sa diumano ay pagiging “political analyst” niya. marahil ay nagbabahagi rin si Pokwang ng kaniyang mga saloobin patungkol sa pulitika at sa ating gobyerno. Ayon sa netizen, bumaba raw ang respeto niya kay Pokwang dahil sa komento nito pagdating sa pulitika partikular na sa gobyerno.


Inakala daw ng netizen na ito na iba si Pokwang kumpara sa iba pang mga artista. Ayon naman kay Pokwang, karapatan din nama niyang magbahagi ng sarili niyang opinyon.

Ito ay hindi lamang dahil sa isa rin siyang Pilipino kundi dahil apektado rin ng pandemya ang kaniyang buong pamilya. Hindi rin siya natuwa sa mga taong tumatawag sa kaniyang “pangit” at “chaka” na artista.

Photo credit: Pokwang twitter account

Pagtatanggol ni Pokwang sa kaniyang sarili, ang kaniyang kapangitan ang nagpaganda ng buhay ng kaniyang pamilya. Dahil rin sa kaniya ay nagkaroon din ng magandang buhay ang mga taong natutulungan niya sa pamamagitan ng kaniyang mga naipundar na negosyo na mula rin naman sa kaniyang pagsusumikap at pagpapagal sa trabaho mula pa noong siya ay natutong maghanap-buhay.

Photo credit: Pokwang twitter account

Marami ring mga sikat na personalidad at artista ang suporta kay Pokwang dahil sa mayroon din naman daw silang mga opinyon patungkol sa mga nangyayari sa ating paligid ngayon. At hindi dahil artista sila ay wala na silang karapatang ipahayag ito sa ano mang pamamaraan na gusto nila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media