Connect with us

Showbiz

Mark Anthony Fernandez, binabatikos ngayon ng publiko dahil sa VIP treatment! Nauna pa kasi siyang mabakunahan kontra COVID-19 kaysa sa mga senior citizen na nakapila sa Parañaque City

Published

on

Si Mark Anthony Fernandez ay 42 taong gulang na aktor na anak ng yumaong Rudy Fernandez at Alma Moreno. Sa ngayon ay maraming mga Pilipino ang talagang galit na galit at kumukwestiyon sa tila “VIP treatment” sa kaniya dahil sa kabila ng mahabang listahan ng mga senior citizen at mga frontliners na prayoridad dapat sa pagbabakuna ay napaglaanan pa rin siya ng isang bakuna nito lamang Marso 22.

“AstraZeneca COVID vaccine” ang tinurok sa kaniya sa Brgy. Don Bosco sa Parañaque City. Maraming nagtaas ng kilay sa pangyayaring ito, hindi lamang mga netizens ang talagang nagalit ng husto kundi lalo na ang mga senior citizen na matagal na nakapila para mabakunahan lalong lalo na ang mga “healthcare frontliners” na expose sa mapanganib na sakit sa araw-araw nilang trabaho.

Batay naman sa naging paliwanag ng tagapagsalita ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ay una nang nag-inquire ang aktor kung maaari na siyang mabakunahan. Tatlong beses pa nga raw itong na-deny ngunit kalaunan ay mayroong “left-over vaccine” na hindi na maaari pang maitagong muli kung kaya naman itinurok na lamang sa sikat na personalidad upang hindi masayang.

Nagtiyaga raw maghintay ang aktor kung kaya naman siya kaagad ang natawagan nang mayroong mga sumobrang bakuna. Maaari daw kasi itong mangyari lalo na kung ang nasa listahan na dapat bakunahan ay tumaas ang presyon ng dugo, inatake ng nerbyos, o di kaya naman ay uminom ng “maintenance” nilang gamot na mayroong “Aspirin” bago sila maturukan ng bakuna.


Sa ngayon ay mayroon pang ilang mga lokal na pulitiko na nakatanggap na rin ng bakuna kahit hindi pa talaga ito ang wastong panahon para sa kanilang kategorya. Iniimbestigahan na raw ito ng Department of Health (DOH).

At i-rerefer naman daw ang insidenteng ito ng aktor sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ).

Source: PEP


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media