Connect with us

Showbiz

Pamangkin ni Rico Yan, agaw-pansin sa social media dahil sa malaking pagkakahawig nito sa namayapang aktor!

Avatar

Published

on

Isa na yata sa hindi malilimutang aktor sa industriya ng show business sa Pilipinas ang nasirang “matinee idol” na si Rico Yan. Sino ba namang makakalimot sa napakaganda niyang ngiti lalo na ang prominente niyang “dimples”?

Ang tambalan nila ni Claudine Barretto ang talagang nagpakilig sa maraming mga Pilipino. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin silang mga tagahanga at tagasuporta.

Maaga mang pumanaw ang aktor ay nananatili pa rin siya sa puso at isipan ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Kamakailan lamang ay napansin ng ilang mga netizens ang larawan na ito ng isang batang lalaki na talagang malaki ang pagkakahawig sa namayapang aktor.

Siya pala ay pamangkin ni Rico Yan, anak ng kaniyang kapatid na si Geraldine. Talaga namang ikinagalak ng publiko ang mga larawang ito ng pamangkin ng aktor dahil aakalain mo talagang nabuhay siyang muli.

Mayroong ilang mga netizens naman ang nagkomento na sana ay magustuhan din ng binatilyo ang pumasok sa showbiz upang kahit papaano ay muli nating masilayan ang aktor na si Rico Yan sa kaniyang pamangkin. Hindi rin naman napigilan ng ilang mga masugid na tagahanga nina Claudine at Rico Yan na mapaisip kung sakaling hindi maaagang nawala ang aktor ay maaaring mayroon na silang masaya at malaking pamilya ngayon ng aktres na nobya rin niya ng mga panahong iyon.


Naging laman ng pahayagan at balita sa telebisyon ang pagpanaw ng aktor. Sa edad na 27 taong gulang ay pumanaw ito habang nagbabakasyon kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Puerto Princesa.

Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nangungulila sa kaniya kahit pa 19 na taon na ang nakararaan mula nang siya ay bawian ng buhay. Marahil sa ngayon ay binabantayan na lamang niya ang kaniyang mga magulang mula sa langit gayundin ang kaniyang kasintahan noon na si Claudine Barretto na minsan na ring umamin na kailan man ay hindi mawawala sa kaniyang puso at isipan ang una niyang pag-ibig.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media