Connect with us

Showbiz

Dawn Zulueta nagdiwang ng kaniyang ika-52 taong kaarawan, nagbahagi ng kaniyang naging repleksyon sa nararanasang pandemya!

Published

on

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang magdiwang ng ating mga kaarawan. Isa ito sa mga mahahalagang okasyon na talagang hindi natin pinapalampas.

Photo credit: Dawn Zulueta instagram

Nariyan na ang naghahanda tayo ng magarbong magarbo at nag-iimbita ng maraming mga bisita, marami din namang nagluluto lang ng sapat at ilang espesyal na putahe para sa pamilya at sa loob na lamang ng bahay nagsasalo-salo. Para sa marami sa atin, napakagandang biyaya na nito dahil hindi naman din lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makadiwang pa ng kanilang mga kaarawan.

Para naman sa batikang aktres na si Dawn Zulueta ay napakarami niyang napagtanto buhat ng magkaroon ng pandemya sa bansa. Noong nakaraang taon, ilang araw lamang matapos ang kaniyang ika-51 taong kaarawan ay pumasok na ang kinatatakutan nating sakit.

Photo credit: Dawn Zulueta instagram

Marami ang nahawa nito at sa kasamaang-palad ay marami din ang nasawi. Para kay Dawn, nakita niya kung gaano kahalaga ang buhay para sa isang tao. Naranasan din niyang magdalamhati kasabay ng mga taong nawalan ng kanilang minamahal dahil sa COVID-19.

Nagpakatatag din siya para sa mga taong patuloy na lumalaban kahit gaano kahirap ang sitwasyon. Nagawa rin niyang suriin ang kaniyang sarili at alalahanin ang mga bagay na talagang mahalaga. Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga taong nagpakita ng malasakit, pagmamahal, at suporta sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Photo credit: Dawn Zulueta instagram

Tunay nga na hindi biro ang pinagdaanan at pinagdaraanan natin sa ngayon. Tila ba napakatagal na ng ating naging sakripisyo at pagtitiis dahil sa pandemyang ito ngunit mas marami pa rin talaga ang lumalaban sa buhay at nananatiling matatag sa abot ng kanilang makakaya.

Kung kaya naman para sa ating lahat, nagbibigay siya ng matinding inspirasyon na ano man ang ating kahaharapin ay magiging maayos din ang lahat pagdating ng panahon. At sa oras na iyon ay tiyak na mas magiging masaya tayo at mas makikita natin ang kahalagahan ng maraming mga bagay sa ating buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media