Connect with us

Showbiz

Queen of All Media Kris Aquino, ibinahagi sa isang live video ang katangian na gusto niya para sa magiging GF ng anak na si Bimby!

Published

on

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala natin sa screen name na Kris Aquino ay 50 taong gulang na TV host, aktres, producer, product endorser at isang businesswoman. Binansagan siyang Queen of All Media dahil sa napakarami na rin niyang mga talk shows at game shows na nagawa.

Sa ngayon ay hindi na siya gaanong gumagawa ng mga programa sa telebisyon o pelikula ngunit madalas siyang magbahagi ng mga larawan at videos online. Sa isa sa kaniyang mga live video ay ibinahagi niya kung gaano siya kasaya na makatanggap ng isang malaking lechon mula sa kaniyang kaibigan na Fashion Designer na si Michael Leyva.

Ayon pa kay Kris, kahit talagang mahilig siya sa bulaklak ay wala pa ring tatalo sa lechon. Ito na raw ngayon ang mas gusto niyanga matanggap kaysa mga bulaklak.

Habang nag-uusap sila patungkol rito ay naging paksa nila ang magiging nobya ni Bimby sa hinaharap. Nais raw talaga ni Kris na mahalin ng kaniyang future daughter-in-law ang kaniyang anak na si Bimby at nais din niyang maging Katoliko o Born Again Christian ang kaniyang magiging balae.


“Bible-based” ang kaniyang paglalarawan sa kanila. Natatawa naman ding nagkomento si Bimby na nais niyang mahalin din siya ng kaniyang magiging nobya. Dadalawin din diumano ni si Kris tatlong beses sa isang linggo ngunit duda ang batikang host na papayag ang future GF ni Bimby patungkol rito.

Nabanggit din naman ni Bimby na nanaisin siyang dalawin ng kaniyang future daughter-in-law ng ganoon kadalas dahil sa kaniyang mga designer bags at branded shoes. Hindi naman sumang-ayon si Kris dito, ang magmamana raw ng kaniyang mga mamahaling gamit ay ang kaniyang mga inaanak.

Ang ibibigay daw niya kay Bimby para sa future GF nito ay ang singsing ng kaniyang mga magulang na sina dating senador Benigno Aquino Jr. at dating pangulong Corazon Cojuangco. Ang singsing daw na iyon ay bahagi ng kasaysayan ng bansa kung kaya naman magiging napakaswerte ng future GF ng kaniyang bunsong anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media