Connect with us

Showbiz

Singer at aktres na si Geneva Cruz, fresh at young looking pa rin sa edad na 44!

Avatar

Published

on

Marami ang nakakapansin na tila hindi tumatanda ang maraming mga artista at sikat na personalidad na hinahangaan natin. Isa na sa mga ito si Geneva Cruz. Siya ay 44 na taong gulang na singer at aktres. Ilan sa mga sikat niyang kanta ay ang “Anak Ng Pasig” at “Kailan”.

Photo credit: Genevacruzofficial instagram

Ang nakadiskubre sa kaniya at nagsilbi niyang mentor ay walang iba kundi si Ryan Cayabyab na kilala rin bilang “National Artist of the Philippines for Music”. Siya din ang bumuo ng iconic na music group na “Smokey Mountain” kung saan kabilang si Geneva.

Photo credit: Genevacruzofficial instagram

Taong 1995 hanggang 2001 ay sinubaybayan ng publiko ang kaniyang relasyon kay Paco Arespacochaga na isa ring musician at songwriter. Nagkaroon sila ng isang anak, si Heaven Arespacochaga na magdiriwang ng ika-25 taong kaarawan niya sa darating na Marso 18.

Mayroon pang anak na babae ang sikat na singer, si London Cruz na anim na taong gulang na sa ngayon. Anak niya si London sa kaniyang dating Filipino-Australian boyfriend na si Lee Paulsen.

Photo credit: Genevacruzofficial instagram

Naging magkarelasyon din sina Geneva at KC Montero mula 2004 hanggang 2012. Marami ang nakakapansin na talagang naalagaan niya ang kaniyang pangangatawan at ang kaniyang kalusugan. Kahit kasi nasa 40’s na siya ay napaka-blooming at napakaseksi pa rin niyang tingnan.

Photo credit: Genevacruzofficial instagram

Ito ang ilan sa kaniyang mga sikreto at natutunan sa buhay ngayong 44 na siya:

“I like being in my 40’s because I have more life experiences, I cope with difficulties better, and know what to do in challenging situations. Mostly.” Pagbabahagi ni Geneva.

“But at the same time, at 40’s, you eat same food as you used to eat at the age of 20, and you could gain weight really fast because our metabolism decreased and we lose muscle faster. To avoid this unpleasant issue, we have to follow a healthy diet and do exercise.” Dagdag pa niya.

Photo credit: Genevacruzofficial instagram

“I hope this will help you get prepared for the future and not worry about these changes. Keep in mind that you can slow down the progress of aging with the help of healthy living – proper eating, exercise… But you gotta learn to accept and love yourselves with wrinkles, cellulitis, loose-skin and all – self – love, and love for others can make your heart and skin glow.” Payo pa ni Geneva sa maraming mga kababaihang humahanga at umiidolo sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media