Connect with us

Showbiz

Dating aktres na si Beth Tamayo ikinasal na sa kaniyang foreigner boyfriend na si Adam Hutchinson sa Amerika!

Avatar

Published

on

Si Beth Tamayo ay isa sa mga sumikat na aktres noon sa Pilipinas. Hindi lamang siya mahusay pagdating sa pagiging isang “leading lady” dahil talagang kahanga-hanga din ang pagiging kontrabida niya sa ilang mga pelikula at teleserye.

Photo credit: Beth Tamayo instagram

Ngunit nang ikasal siya sa kaniyang mister na isang mayamang Chinese businessman noong 2004 ay unti-unti na niyang tinalikuran ang showbiz. Maaalalang 2008 noon nang mapagdesisyunan niyang manirahan na sa Estados Unidos.

Photo credit: Beth Tamayo instagram

Habang taong 2014 naman nang sila ay maghiwalay ng mister niyang si Johnny Wong. Sa ngayon ay kuntento at masayang masaya na siya sa piling ng kaniyang mister na si Adam Hutchinson.

Marso 3, 2021 nang magbahagi ng ilang mga larawan si Beth sa kaniyang Instagram account ng kanilang simple ngunit makahulugang kasal. Ikinasal sila sa kanilang bahay sa San Francisco, California.

Photo credit: Beth Tamayo instagram

Hindi raw biro ang pagpapakasal sa gitna ng pandemyang ito ngunit nagpapasalamat siya dahil sa karanasang ito. Online ceremony ang naging kasal nila at talagang napakakonting tao lamang ang kanilang inimbita.

Ang kaniyang mga kamag-anak at kapamilya ay nakapanuod din naman ng kanilang kasal sa Zoom. Gamit pa nga daw nila ang kanilang toolbox bilang laptop stand.

Simple lamang ang kaniyang damit pangkasal ngunit talagang mababakas sa kaniyang mga mata ang kaligayahang kaniyang nadarama gayundin ang kaniyang mister na ngayon na si Adam na nagtatrabaho sa Google. Ipinanganak si Adam sa Iowa.

Photo credit: Beth Tamayo instagram

Halos 10 taon na rin daw ang nakalilipas buhat nang lumipat siya sa California kung saan sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. Ipinahayag din naman ni Beth na kapag maayos na at ligtas na ang lahat ay magdiriwang sila kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Binati rin naman siya ng mga dati niyang kasamahan sa industriya ng showbiz tulad na lamang halimbawa ng kaniyang matalik na kaibigan na si Judy Ann Santos-Agoncillo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media