Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo nagsalita na tungkol sa plano niyang mag-settle down at magkaroon ng baby sa susunod na tatlong taon!

Avatar

Published

on

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o mas nakilala natin bilang si Bea Alonzo ay 33 taong gulang na aktres, modelo at singer. Marami ang bumilib sa kaniya dahil sa pambihirang galing niya sa pagganap sa kaniyang mga karakter sa bawat proyektong naipagkakatiwala sa kaniya.

Photo credit: Bea Alonzo instagram

Kamakailan lamang ay pinaunlakan ng aktres ang “one-on-one interview” ni Ethel Booba para sa kaniya. Hindi nagdalawang-isip si Bea na ibahagi ang kaniyang planong pag-aasawa at pagbuo ng sarili niyang pamilya sa mga susunod na taon.

Nais na raw niyang magkaroon ng anak kung ipagkakaloob ng tadhana.

Photo credit: Bea Alonzo instagram

“Gusto ko na magka-baby. Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako.” Pahayag ni Bea.

Sa susunod na tatlong taon ay idinadalangin na niyang matupad ang plano niyang ito. Ngunit sa ngayon ay hindi pa rin daw siya sigurado dahil sa hindi rin natin hawak ang mga maaaring mangyari sa hinaharap.

Photo credit: Bea Alonzo instagram

Gusto din daw sana ni Bea na makapangasawa ng hindi artista. Ngunit bawi naman niya ay hindi rin naman natin matuturuan ang ating puso kung sino ang gusto nitong mahalin.

Nagbiro din si Bea kay Ethel kung papayag ba siyang ipagbuntis ang anak ni Bea kung sakaling mapagdesisyunan niya ang pagkakaroon ng isang “surrogate mother”. Tunay nga na hindi biro ang pagiging isang asawa at pagiging isang ina.

Photo credit: Bea Alonzo instagram

Ngunit sa kabila ng sakripisyo at paghihirap na maaaring danasin ng isang babae ay malugod pa rin itong gagawin ni Bea para sa pangarap niyang pamilya. Pinatunayan lamang ng aktres na “deserving” siya sa lahat ng bagay na tinatamasa niya ngayon at nailigtas niya ang kaniyang sarili sa posibleng kapahamakan kung hindi niloob ng tadhanang magkahiwalay sila ng dati niyang kasintahan na nagdulot lamang sa kaniya ng pighati at kalungkutan.

Ngunit sa ngayon ay masayang masaya na siya at handa na siyang magmahal muli. Tiyak na mas magiging perpekto si Bea at ang kaniyang “future husband” para sa isa’t-isa hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media