Connect with us

Showbiz

Coco Martin ibinunyag ang kaniyang sikreto kung saan nga ba napupunta ang pera na kaniyang pinaghihirapan!

Published

on

Si Rodel Pacheco Nacianceno o mas hinangaan natin bilang si Coco Martin ay 39 taong gulang na aktor, direktor at producer. Ilan sa mga sumikat niyang proyekto ay ang “Minsan Lang Kita Iibigin”, “Walang Hanggan”, “Ikaw Lamang”, “Juan dela Cruz” at isa sa longest running show ngayon ang “FPJ’s: Ang Probinsyano”.

Hindi rin biro ang pinagdaanan ni Coco Martin bago siya nakilala at sumikat sa showbiz. Kung kaya naman hindi siya nagdalawang-isip pang ibahagi sa kaniyang mga tagasuporta ang sikreto ng kaniyang tagumpay ngayon at ang napupuntahan ng perang kaniyang pinagpapagalan.

Ayon sa aktor ay talagang tinitipid at tinatago muna niya ang perang kaniyang kinita para sa mga bagay na kaniyang pinaghahandaan. Hindi rin daw dapat kaligtaan na pahalagahan ang perang kinita dahil sa pinagpaguran mo ito ng husto.


Dapat daw itong ilaan para sa mga posibleng “investments” upang mas lumago pa ang pera ngunit huwag din daw kaligtaan na hindi lahat ng mga negosyo ay nagtatagumpay kung kaya naman mas dapat ding maging maingat. Ang kinikita niya sa pag-aartista, pagdidirek, at pag-eendorse ay napupunta sa mga binibili niyang properties.

Gusto niya kasing makita ang bunga ang pinaghirapan niya sa oras na siya ay tumanda na at tuluyang magretiro. Para sa mga gustong makapag-ipon, pagsusumikap at pagpupursige lamang sa buhay ang kaniyang maipapayo.

Pinaalalahanan din niya ang mga kabataan na mag-aral ng mabuti upang makapagtapos kaagad at saka maghanap ng magandang trabaho. Makatutulong din daw kung hindi natin bibigyang limitasyon ang ating mga sarili lalo na sa mga panahon ngayon na nakakaranas pa rin tayo ng pandemya.

Kung noon ay nagtatrabaho siya bilang isang waiter at dyanitor, ngayon ay isa na siya sa pinakasikat at pinakamatagumpay na personalidad sa bansa na hinahangaan ng maraming mga Pilipino. Tunay nga na sa kabila ng paghihirap at pagsasakripisyo ay tiyak na aanihin din natin ang mga bunga nito sa tamang panahon.

Source: Abscbn


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media