Connect with us

Showbiz

Batikang host na si Willie Revillame, masayang-masaya bilang lolo ng mga anak ni Meryll Soriano!

Avatar

Published

on

Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala ng publiko bilang si Willie Revillame ay 60 taong gulang na television host, singer, songwriter, businessman, aktor, at komedyante. Siya ay tubong Cabanatuan, Nueva Ecija.

Hindi na lingid sa publiko ang hirap ng kaniyang buhay noon, sa kabila nito ay talagang nagsumikap siya sa buhay at ngayon ay isa na siya sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Marso 2005 nang ikasal siya kay Liz Almoro sa isang civil ceremony na sinundan ng church wedding makalipas ang tatlong buwan.

Taong 2008 naman nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Bago pa man ang kasal nilang ito ay ikinasal muna siya sa aktres at batikang kontrabida na si Princess Punzalan.


Minsan nang inamin ni Willie sa naging panayam sa kaniya noon ni Jessica Sojo para sa programa nilang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na talagang nalulungkot siya sa tuwing uuwi siya sa malaki niyang mansyon. Kahit kasi gaano pa siya kayaman at gaano pa kalaki ang kaniyang bahay tila ba mayroon pa ring kulang sa kaniyang buhay dahil sa mag-isa lamang siya at wala siyang kasama sa buhay.

Laking pasasalamat na lamang niya at mayroon siyang mga anak na siyang nakakasama niya at nakakausap. Sa ngayon ay hindi na lamang siya isang ama sa kaniyang mga anak dahil mayroon na rin siyang dalawang apo sa kaniyang panganay na si Meryll Soriano.

Si Mary Rosalind Soriano Revillame o mas nakilala natin bilang ang 38 taong gulang na si Meryll Soriano ay anak ni Willie kay Bec-Bec Soriano. Taong 2006 nang ikasal siya sa aktor na si Bernard Palanca kung saan biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Elijah, siya ay 13 taong gulang na ngayon.

Naghiwalay din sila ilang buwan pagkatapos nilang magpakasal. Nito lamang Enero 1, 2021 ay ipinakilala sa publiko ni Meryll ang kaniyang anak sa aktor na si Joem Bascon.

Masayang masaya naman si Willie dahil sa mayroon na naman siyang apo. Ayon sa batikang host at komedyante ay nais niyang maging isang kabarkada o kaibigan sa kaniyang mga apo at magiging apo pa.

Sa tuwing mapapasyal daw sa kaniya ang kaniyang mga apo, wala siyang ibang sinasabi kundi ang mga apo niyang ito ang tiyak na mag-aalaga sa kaniya kapag siya ay matanda na.

Source: GMANetwork


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media