Connect with us

Showbiz

Alessandra de Rossi inamin na minsan na siyang nag-offer sa kaniyang kapatid na si Assunta na maging surrogate mother magkaroon lamang sila ng anak ng kaniyang asawang si Jules!

Avatar

Published

on

Simpleng tanong lamang marahil ang mga katagang “Ano ang tagumpay para sa’yo?” Kung ikaw ba ay mayroon nang magandang trabaho, malaking bahay at magarang mga sasakyan, masasabi mo bang nagtagumpay ka na sa buhay?

 

Kung ikaw ba ay kinasal na sa taong minamahal mo at magkasama na kayo ngayon sa iisang bubong, masasabi mo kayang husto na ang kaligayahan na iyong nararamdaman? Kahit tila na kay Assunta de Rossi na ang lahat, katanyagan, talento, komportableng buhay kasama ang kaniyang asawa, tila ba hindi pa rin siya masaya.

Ito ay dahil sa loob ng halos 19 na taon ay wala silang sariling anak ng kaniyang asawang si Jules Ledesma na isang pulitiko. Minsan nang inamin ng aktres na ginawa na nila ang lahat at nagpakonsulta na rin silang mag-asawa sa mga doktor ngunit talagang hindi sila magkaroon ng anak. Inakala na rin niya noon na siya ay walang kakayanang magbuntis kung kaya naman labis ang kaniyang kalungkutan.

Image by Assunta de Rossi via Instagram

Image by Assunta de Rossi via Instagram

Maging ang “In Vitro Fertilization” o IVF na kanilang sinubukan ay hindi rin nagtagumpay. Kung kaya naman minsan na ring pumasok sa isipan ng kaniyang kapatid na si Alessandra na maging “surrogate mother” para sa kaniyang ate at bayaw.

Sa isang episode ng “I Feel U” sa YouTube Channel ng ABS-CBN ay inamin ni Alessandra na minsan na niyang kinausap ang kaniyang ate tungkol sa desisyon niyang ito nang hindi magtagumpay ang ginawa nilang IVF.

“Nung nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan y’ung feeling.’ Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako ang magdala? Wala din naman akong direksyon sa buhay,’” kwento ni Alessandra.

Dagdag pa niya, talagang buo na ang kaniyang loob na gawin ito para sa kaniyang kapatid ngunit tinawanan lamang siya nito. Kung kaya naman hindi niya alam kung ano talaga ang nasa kaniyang isipan ng mga oras na iyon.

Nang malaman niyang nagdadalang-tao na ang kaniyang kapatid ay talagang hindi niya na napigilang maging emosyonal dahil sa napakatagal nilang hinintay ito lalo na ang mag-asawang Assunta at Jules Ledesma.

Source: Youtube


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media