Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga, ipinasilip sa publiko ang kaniyang high-tech at brand new car na nagkakahalaga ng halos Php1.2 milyon!

Avatar

Published

on

Si Catherine Cruz Gonzaga-Morada o mas kilala natin ngayon sa kaniyang screen name na Alex Gonzaga ay 33 taong gulang na, isang mahusay na television host, aktres, singer, comedienne, entreprenyur, vlogger at author. Sa kaniyang sariling YouTube channel ay mayroon na siyang higit sa 9.4 milyong mga subscribers.

Talaga namang maraming mga Pilipino ang giliw na giliw sa kaniyang kakulitan, pagiging positibo sa buhay at pagiging masayahin. Minsan na niyang ginulat ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta nang aminin nila ni Mikee Morada, ang kaniyang longtime boyfriend na sila ay mag-asawa na at nakapagpakasal na.

Bagamat ikinagulat nga ito ng publiko ay nakakuha din naman sila ng pagbati at suporta sa kanila agad agad. Tunay nga na napakaraming mga biyaya ang kumakatok sa buhay ni Alex at ng kaniyang pamilya.


Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang napakaganda at ang bagong bago niyang high-tech car! Ayon sa ilang mga balita ay i-eendorso diumano ng aktres ang “automobile company” na Chery.

Dahil dito ay nakatanggap siya ng isang “Chery Tiggo 7 Pro”. Ang sasakyan na ito ay nagkakahalaga diumano ng Php1,198,000! Napakarami din nitong magagandang features na maging sina Alex at Mikee ay hindi akalaing magagamit nila sa kanilang bagong sasakyan.

Marami naman ang mga netizens na bumati sa mag-asawa dahil sa naopakagandang biyaya na ito na kanilang natanggap. Hindi na lingid sa publiko lalo na sa mga tagasuporta ni Alex ang pinagdaan niya noon sa unang beses niyang pagpasok sa show business.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Squad™ (@alexgonzagasquad)

Siya kasi ang nakababatang kapatid ng aktres at batikan ding host na si Toni Gonzaga o si Celestine Cruz Gonzaga sa tunay na buhay. Dati ay talagang inggit na inggit diumano si Alex sa kaniyang ate dahil sa kasikatan nito at atensyon nakukuha sa kanilang mga magulang ngunit kalaunan ay napagtanto niya rin naman na talagang may ilalaan na tamang panahon ang Diyos para sa bawat isa sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media