Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, sinupalpal ang netizen na nagkomento sa pagiging masamang impluwensiya nito sa social media!

Avatar

Published

on

Laman ng social media ang mga sweet na videos at larawan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nitong mga nagdaang linggo. Enero Bagamat hindi pa inaamin ng dalawa ang tunay nilang relasyon sa publiko ay marami nang nagsasabing higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila sa ngayon.

Nagsimula ang usap-usapan patungkol sa kanilang pagkakamabutihan nang minsan magbahagi ng video si Ruffa Gutierrez habang nasa bahay siya ni Derek kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan. Makikita rin sa isang larawan na kaniyang ipinost online na tila ba nagtititigan sina Ellen at Derek.

Matapos nito ay nag-post din ang aktor ng larawan ni Ellen at ng kaniyang ama na magkasama sa iisang larawan. Namataan na namang muli ang aktres sa bahay ng aktor sa nakaraang media conference ni Ellen kasama ang kaibigan ni Derek na si John Estrada.


Lumipas pa ang ilang mga araw at muli na namang namataan sa social media ang larawan ni Ellen at ng kaniyang anak na si Elias Modesto sa tahanan nina Derek kasama ang kaniyang buong pamilya sa isang salu-salo. Hindi pa rito natatapos ang mainit na usapan ng maraming mga netizens tungkol sa kanila dahil sa nagbahagi na namang muli ng larawan si Derek kung saan nasa isang sasakyan sila ng aktres kasama ang kaniyang anak.

Nagbahagi din si Ellen ng larawan nila ni Derek kung saan tila pinaglalaruan nito ang bigote at buhok ng aktor. Maraming mga netizens ang nakapansin sa post niyang ito at isang netizen nga ang nagkomento na masamang impluwensiya si Ellen sa maraming mga kabataan sa ngayon.

Agad naman itong sinagot ng 32 taong gulang na aktres at sinabing, “Yet you follow me, judge me and allow your mind to be exposed to ‘our’ influence. Whose choice is that now? Shouldn’t you be protecting yourself and your peace?”

Si Derek ay kagagaling lamang sa relasyon bago pa man sila maging malapit ni Ellen habang nasa co-parenting status naman ang relasyon ng aktres at ni John Lloyd Cruz na ama ng kaniyang anak na si Elias.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media