Connect with us

Showbiz

Aktres na si Sunshine Cruz ipinagtanggol ang kaniyang partner na si Macky Mathay matapos itong tawaging “kalbo” ng isang netizen!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mga kontrobersiya at isyu ng mga iniidolo nating artista. Tulad na lamang ng aktres at singer na si Sunshine Cruz.

Photo credits: Sunshine Cruz instagram

Naging mainit na usapin noon ang naging paghihiwalay nila ng aktor at direktor na si Cesar Montano. Naiwanan ang tatlong anak nila sa pangangalaga ni Sunshine.

Makalipas ang tatlong taon na pagiging single ng aktres ay muling tumibok ang kaniyang puso sa katauhan ni Macky Mathay. Talaga namang kapansin-pansin ang pagiging malapit nito sa mga anak niya na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Photo credits: Sunshine Cruz instagram

Hindi na nga natin maitatanggi pa ang wagas na pagmamahal nila para sa isa’t-isa. Kung kaya naman ganoon na lamang ang ginawang pagtatanggol ni Sunshine kay Macky ng sabihan itong kalbo ng isang basher.

Photo credits: Sunshine Cruz instagram

Ayon sa naging pahayag ng aktres, nagbahagi siya ng ilang mga larawan niya at ng kaniyang pamilya dahil sa nais niyang magbahagi ng “good vibes” sa publiko. Kung kaya naman para sa mga taong nagsasabing “offensive” ang mga ito ay maaari naman na i-unfollow o huwag na lamang nilang pansinin ang mga posts ng aktres.

Binigyang-diin din niya na hindi dahilan ang pagiging “public figure” niya o ang pagiging artista niya upang bastusin siya ng ibang tao o di kaya naman ay bastusin ang kaniyang mga minamahal sa buhay. Ayon pa kay Sunshine, tatlong taon na silang hiwalay ng dati niyang asawa bago pa man sila magkaroon ng relasyon ni Macky kung kaya naman hindi siya ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Photo credits: Sunshine Cruz instagram

Maaari din daw na kalbo ang kaniyang partner ngunit di hamak na mas gwapo at edukado naman ito kaysa sa basher na ito. Tunay nga na napakarami nang mga taong agad agad na lamang nanghuhusga sa kanilang kapwa lalo na sa mga “social networking sites”.

Photo credits: Sunshine Cruz instagram

Kahit na mga sikat na personalidad ang mga artistang ito, mayroon din silang mga opinyon, nasasaktan at nahihirapan din sila tulad natin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media